Papunta kami sa Davao sa August or September, first time namin lahat. Walo po kami na pupunta. Ang tanong ko po ay:
1. May ma rent po ba kami na Van para sa pamamasyal? Baka po may mairekomenda kayo, pakilagay na lang po contact number dito at tatawagan na lang namin. Mga magkano po ba ang rate ng rent sa isang araw?
2. Saan po mainam at sulit mag stay doon? Kung may marekomenda din po, pakilagay na lang din po dito.
3. Ano po ang mga magaganda puntahan sa Davao bukod sa Philippine Eagle Center, Eden Nature Park, Jack's Ridge? Pwede po ba masingit sa schedule ang Pearl Farm kung 3 days lang kami doon?
may day tour naman ang pearl farm pero i think you have to book them beforehand.
you have to try luz kinilaw - kilala iyan sa d.c. the last time i was there dinadayo din iyong banok's at kolasa's bbq place. don't know what's new nowadays over there though pero mas madami na daw mapupuntahan. the last time i was there was in 2003 so medyo outdated na ang knowledge ko ng davao city.
btw, sa samal island ang daming primo white sand beaches.
meron po ba kayo mga contact sa mga van/car rental services jan?
baka pwede nyo kami mabigyan ng contacts saka kung magkano po usual
rates ng tour nila?