Kakapalit lang ng buong clutch ng wigo manual transmission namin sa casa, fortunately under warranty pa nailusot. Randam ang pagbabago, smooth lahat except sa arangkada.
From full stop to 2k rpm, edi naka 1st gear, nagkakaroon ng rattle noise, im sure hindi dahil sa kulang ang gas kasi ginagasan naman ng onti bago bitawan ang clutch at 3 years ko na to drinadrive. Normally ang sound supposedly ng umaarangkada from 1st gear is smooth pero yung samin hindi na like before. May rattle sound until 2k rpm tapos parang may loss of power rin sa period na yun. Ano po sa tingin niyo may tama? Balak ko naman po ipakita sa casa sa sabado pero gusto ko lang magkaroon ng inputs bago pumunta duon, kasi baka hindi tugunan ng pansin pag sinasabi lang sakanila.