guys i have a slight problem, kindly help me improve my driving technique. meron ako Honda civic 96 model.
1. first hmmmmm... meron akong 2nd hand car, first na nadrive ko sya sobrang taas ng clutch nya, pero nasanay na ako.
ang problem eh kapag nag shift ako ng gear sa 2nd gear dko masyado dinidiin yung gas, tapus shift ko naman sa 3rd gear
ganun din, kaya anyare lagi ako naiiwanan sa highway, karamihan sa mga kotse humaharurot na, ang problem ko nababagalan
ako pag galing sa stop and go ng car ko,
Ano ba maganda way sa pag shift ng gear at need ba diinan ang gas para maging mabilis ang paglipat sa susunod na gear? (Note: smooth naman ako mag change ng gear ang problem mabagal umarangkada)
2.second problem ko naman, dahil mataas ang clutch at nasanay na ako di na diba problem sa akin yun, ngayon yung ibang
gagamit ng car ko natataasan daw masyado sa clutch ko kaya ginawa ko napilitan ako ipapihit kay manong mekaniko ang clutch
pinalagay ko sya sa regular working level, kaya anyare standard na clutch ko. eto ngayon ang problema
Since na mababa na ang clutch ko, nahihirapan akong mag change ng gear dahil tuwing binibitawan ko ang gas feeling ko medyo
slight na sumasabay sya sa clutch, i mean nagsasabay sila, kaya tendency nya pag apak ko sa clutch meron ako nararamdaman
na naikot sa loob ng clutch padel, dahil siguro sa nagsasabay sila ng slight lang, pero minsan kapag maganda ang pagpalit ko ng gas
to clutch smooth sya, dati kasi sa sobrang taas ng clutch ko kahit magsabay ng konti yung gas at clutch sa pagpalit ng apak eh super
smooth ng change gear ko kasi di naman agad kumakagat yung clutch, need ko pa ibaba ng konti para kumagat.
Ngayon ang iniisip ko d kaya may sira na clutch ko or sa way ko lang ng pag apak nagkakaron ng problem since na nasanay ako sa mataas
na clutch dati. (sana practice lang ang katapat di na paayos kay manong mekaniko para iwas gastos)
Kindly post your technique sir para maganda ang paglipat ko ng gear at umaarangkada agad ng di mapagiwanan sa daan, dun lang ako
mabagal as in nababagalan ako, pero pag sa SLEX ok naman sya.