tanong ko lang kung sakaling alam nyo kung ano problema nung sasakyan ko (revo diesel).
bigla kasing may ingay na parang kumakayod tuwing aapakan ko yung clutch bago ako mag-shift e. kumakayod lang sya kapag umaandar tapos magshi-shift ako. yung ingay nya hindi during nung shift. umiingay sya pag naka-todo apak pa lang ako ng clutch bago mag-shift. pag naka-hinto naman e wala namang ingay pag inaapakan ang clutch. tuwing umaandar lang (kapag nasa gear na tapos mag-shi-shift). pero ok naman wala naman problema ang pag-shift ko. may ingay nga lang na parang kumakayod.
salamat sa replies. sobrang weird talaga yung nangyari. binuksan ko lang yung hood ko nung isang araw tapos itinabi ko yung wire nung fog lamps ko tapos ngayon wala na yung tunog. parang nagkaron ng interference dun sa hydraulic clutch saka battery yung wire nung fog lamps e. basta yun! at least wala na ngayon yung tunog =)