Mga boss, ask ko lang kung normal ba yung naranasan ko sa 2011 ford ranger 3.0 A/T namin. Mga 2 months ago (not sure), from cold start, linagay ko sa reverse and inalis ang pagkakahandbrake. Pero hindi gumagalaw kahit anong rev ko sa sasakyan. Tinry ko din sa drive, 1, 2, at 3 pero wala pa din. Then pinatay ko muna makina and start again pero same result, ayaw gumalaw ng sasakyan. Napansin ko yung handbreak e medyo parang tumigas, as in mabigat pag hihilain mo, kaya pinatay ko ulit yung sasakyan then linagay ko sa neutral tapos inalis ko sa pagkakahandbreak then tinulak ko paurong at pasulong yung sasakyan at gumalaw naman siya. Tapos tinry ko ulit na sindihin ung sasakyan then umandar na din sa wakas. Pagkatapos nun pinabayaan ko na lang kasi baka nagkataon lang na nangyari yun. Pero this morning na experience ko ulit pero gumana din naman siya after kong ginawa ulit yung solution sa first incident.

Normal lang ba ito sa cold start? or mas maganda kung pa check ko na sa CASA?
TIA.