Mga gurus tsikot ko po ay corolla small body 2e engine 5 speed transmission.

Ang problem ko pag nag-shift ako ng 1st gear ayaw nang malipat, nag stock up na at hirap akong shift minsan pwersahan na. Kaninang umaga lang nangyari papasok sa trabaho kala tuloy ng iba ang kupad ko magshift hindi nila alam ayaw mag change gear from 1 to 2, wala naman ako naririnig na ugong or kalansing kaya ginawa ko 2nd gear agad den 3rd ok naman siya. Pag shift mo nang 1 smooth sya pero pag mag shift to 2nd gear or neutral ayaw na parang may pumipigil.

Advance thanks sa mga magreply. Need ko lang kasi opinion nyo bago ko ipagawa.