Actually nag-search muna ako regarding jerking pero wala akong nakita same scenario ko so gawa nalang ako new thread.
Ask ko lang kung what is the possible problem na na-experience ko kanina while driving home. Actually I drove from Manila to Boni para hatid gf ko. Ok na Ok takbo ko smooth na smooth. Kaso pagbalik ko after ko bumaba sa shaw overpass biglang nag-jerk yung sasakyan. Even if I was on 2nd or 3rd gear.
Di ko sure if dahil ba sa timing ko ng pagtapak/release ko ng clutch/gas or nagkamali ako ng shift ng gear(pero alam ko kapag mali dapat tumunog sya ng malakas eh which did not happen).
Nagtataka lang ako kasi nung huminto na ako nung nag-red yung ilaw sa stoplight nilagay ko sya neutral, release clucth and handbreak, then nung nag Green light na and nag 1st gear ako ok na yung takbo ulet hanggang bahay smooth na ulet even when i switch gear.