Hi sa mga old-timers at mga moderators/admin! Bago po ako dito sa tsikot.com forum at sana matulungan nyo ako. meron po kaming Mazda MPV 1993 model Gasoline-fed 3.0L V6 A/T na medyo kailangan na po ng matinding engine maintainance. Wala po ako masyado alam sa mga technical sa sasakyan at kung saan po maganda magpa-service.
Napansin ko po kasi na meron nang leak ng engine oil sa engine block. Ano po kailangan gawin, saan po pwede makakuha ng replacement parts at saan po maganda magpa-serivce? 12 years na po samin itong MPV at uwi pa ng dad ko from the Middle East. Iba na rin po ang hatak, medyo mahina na at malakas na sa gas. Patulong lang po sa mga other members. Thank you very much!!!


Reply With Quote
