I have a Mazda 3 / 2005 / AT. Ang problem ko is during uphill or pag mag accelerate ako madalas magdownshift at mahina hatak. Nahihirapan din car ko maabot 100 kph sa highway. Usually 80 kph lang. Nagda downshift siya if press ko pa lalo gas then ayaw lalo nawawalan power. Ano kaya problema nito? Madami na ako napalitan like change oil, spark plug, ATF change, fuel filter pero may issue pa din.
The other day while papunta ako Antipolo nahihirapan talaga sa uphill car ko at umilaw na check engine so hindi na ako tumuloy. Dinala ko siya sa Mazda Makati, ang initial findings is kelangan palitan wiring harness for around P25,000. The thing is hindi pa daw sure kung maayos dun. Uunahin lang daw yun palitan if maayos dun. Kung hindi daw, check daw nila ang ECM at throttle body.
Ano ba maganda gawin? Tama ba advice ng Mazda Makati? Ok lang ba ang price? Or dalin ko na lang sa iba shop like speedyfix?