Ano po ang Transmission oil na pwedeng gamitin for M/T cars. Second hand naming nabili at di namin alam kung ano gamit na Transmission oil nung previous owner. Tnx for the replies.
kadalasang ginagamit is m/t oil na may gradong 90.. THUBAN GL4 SAE90
para makasiguro at kung wala na pong kasamang manual ang inyong sasakyan eh magandang tumawag po tayo sa service advisor ng toyota 02-5641813...pagkatapos nyong malaman eh pwede na po kayo magsadya sa pinakamalapit na gas station para magpakarga ng rekomendadong m/t oil para sa inyo...
tumawag po ako sa toyota service advisor and ask for the transmission oil. binigay sa akin eh Toyota Manual Transimission oil which cost P215.00. Ask ko po sila kung ano grade, di alam ng kausap ko. Parehas kaya ng grade doon sa suggested oil ni sir Chieffy? tnx.
lokong service advisor iyon ah...2 lang iyan...talagang di niya alam or ayaw niya i paalam para di ka kumuha sa labas...nawawala lang kasi yung caltex transmission oil table ko eh pero ganito na lang gawin mo...punta ka sa Caltex Station na Xpresslube para paniguradong may transmission oil table iyan...tingnan mo na rin mismo yung table (it should be located sa lubebay) tapos ipalagay mo na...these gas stations usually have gear oil dispensers at 2 lang ang klase ng gear oil na madalas nakalagay doon...THUBAN GL4 SAE 90 (kadalasang ginagamit sa light vehicles) at THUBAN GL4 SAE 140 (pang heavy duty-PUJ's, trucks, etc)...kung di ako nagkakamali nasa Php 95-100 per liter ang presyo niyan...