Help! Lost Orig CR and DR and Insurance papers, sa hagupit ni Ondoy
Tanong ko lang po mga sir' kung ano ba dapat gagawin po sa sitwasyon ko po now, kasi po nung humagupit po si Ondoy di lang po mga gamit at iba pang kasangkapan ang nasira at nawala sa amin, pati na rin po yung mga mahalagang papers po namin, like ito pong Original CR, DR, Insurance papers and All po ng car namin.
Ask ko po kung saan ako mag uumpisa po sa pag reconstitute ng mga papers ko po sa Car namin. Do I have to secure first Affidavit of Loss? Am totally lost po sa lahat ng ito, pati procedures po para ituwid ang problemang ito po.
Brief story po ng car:
1) Ito ay pag-aari po ng aking Nanay (sa kanya po ito naregistro), at ang nanay ko po ay nasa probinsya namin sa mindanao nakatira, at ako naman po ay nandito sa San Juan po.
2) Ang sasakyan po ay bago ko lang po nadala dito sa metro po nitong July lang po.
3) Ang sasakyan po ay orihinal na nai-rehistro sa mindanao po, particularly sa ILigan City.
4) Ako po ay nakatira sa San Juan po.
Kailangan ko po ang inyong tulong at guidance po para dito po, ngayon lang po ako nag ka time para ayusin ito at sana naway matulungan nyo po ako. Maraming salamat po sa inyo mga Sir'. Mabuhat po kayo at ang Tsikot.com.
po.