Hi po,

First time ko lang po magpopost dito sa forums. May itatanong lang po sana ako regarding sa late registration penalty. 2007 pa po kasi huling narehistro yung kotse namin at balak namin sana irehistro ngayon since gagamitin na namin. Nabasa ko po sa website ng LTO na ang penalty for late registration, regardless kung ilang buwan or taon yung deliquency, 50% ng MVUC plus yung renewal (http://www.lto.gov.ph/Fees_and_Charg..._users2011.pdf).

May nagsabi rin po sa kin na broker ng isang TPL company na ang tamang penalty daw is 50% ng MVUC times the number of years unregistered plus yung renewal.

Ask ko lang po kung ano po ba ang tama? Yung nasa website ng LTO o yung sinasabi ng broker? Salamat po.