May tanong ako sa mga parents with kids. Alam ko di pa common sa pinas ang nagcacarseat. Kakamove lang kasi namin sa Pinas ulit at may 3 yr old na kami ngayon. Ever since pinanganak sya nakacarseat sya so walang problema kahit 2 lang kami sa kotse. Ngayong nasa pinas na kami di kasi kami makapagdala ng kotse kung walang tagahawak ng bata. Yung kotse kasi na nahihiram ko walang carseat attachment at yung seatbelt walang ALR. Since november pa kami nagttry bumili ng PPV na may seatbelt attachment pero wala pa dn mga unit ang dealers. Gusto sana namin bumili kht 2nd hand since walang unit mga dealership kaso ganun din, wala pa carseat attachment yung mga nakita nmin.
Paano nyo sinasama yung mga anak nyong 2-4 yrs old kung dalawa lang kayo(walang tagahawak sa loob ng kotse) at walang carseat? Meron ba kayong kinakabit sa mga upuan para makabitan din ng carseat?