Reynera vs. Hiceta (G.R. No. 120027. April 21, 1999).
“May isang motor na mabilis ang takbo at nasa unahan niya ang isang truck na may kargang metal sheets na lumampas sa cargo bay at may dalawang ilaw sa gilid ng metal sheets.
Madilim ang daan. Dahil sa walang stop light ang truck at mabilis ang takbo ng motor, bumangga ang motor sa likod ng truck at boom!
Naging manananggal ang drayber.”
So sino ang may kasalanan? Ang truck na walang stop light o ang motor na mabilis ang takbo?
Ayon sa Korte Suprema kahit na napatunayan na may traffic violation ang truck dahil wala siyang tail lights, lumalabas na ang motorsiklo sa likod ng truck ang may pagkukulang.
Kahit walang tail lights ang truck, ay malinaw naman ang paligid at kita pa rin na parating ito sa layong 100 metro. Mabagal din ang kanyang takbo. Bukod dito, may 2 piraso ng ilaw sa karga nitong steel plates kaya kita ng nasa likod kung aabutin sila nito o hindi.
Bilang nasa likod, ang nagmamaneho ng motorsiklo ang may control upang iwasan ang aksidente. Kita naman niya ang nasa harap dahil meron naman siyang malinaw na headlight. Pwede siyang lumusot at hindi tumutok sa likod ng truck.
“It has been said that drivers of vehicles ‘who bump the rear of another vehicle’ are presumed to be ‘the cause of the accident, unless contradicted by other evidence’”.
Ang proximate cause ng pagkaaksidente ng motor ay hindi dahil walang tail lights ang truck, kundi dahil mabilis ang takbo ng motor at hindi niya natantsa ang tamang breaking distance, kaya yun kabit!