ginagawa niyo ba to? ako kasi ung sa tabing bahay namin may nakapark lagi na sasakyan sa tapat ng bahay nila. so pagpapasok ako ng garage double parking ako pag bubuksan ko na ung gate. so ginagawa ko hazard muna ako sabay baba para buksan ung gate. at sinisigurado ko na may makakdaan pang sasakyan. kasya pa nga truck e.
kaso kanina biglang may babaeng nagbaba ng bintana sa akin nung papasok na ko ng garage. nabuksan ko na ung gate so nasa loob na ko ng sasakyan. nakita ko siya sa may likod ko so hazard pa rin ako, hindi ko pa pinapalitan ng left turn para paunahin ko siya. nag signal pa ko using may hands para mauna siya. kaso pag dating sa tapat ko biglang tumigil at biglang sabi mali daw ung ginagawa ko. dapat daw hindi ako nag dodouble parking. sabi ko naka hazard ako at papasok ako sa bahay namin saka kasya ka naman diba. sabi para daw hindi mahirapan ang dadaan, e siya lang ata nahirapan e. ilang years ko na ginagawa to at siya lang umangal.
mali ba ung ganon? ung mag double parking e samantalang sandaling-sandali lang naman ako at kasya pa truck don sa daraanan.
Last edited by flakez; November 21st, 2005 at 08:41 PM.