New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #1
    everytime i go to metro manila, i always pass through caloocan city (edsa-rizal ave.). since naging mayor si echieveri, i have noticed na hindi na ako nata-traffic dito, especially in the gotesco grand central area. dati, nakikipag patintero ka sa mga pedestrians/jaywalkers, ngayon, meron na silang lubid na pangharang sa mga pedestrians, manned by city traffic enforcers. akala ko dati magiging ningas cugon ito, pero ilan taon na bang mayor ng caloocan si echieveri at nandyan pa rin yang mga traffic enforcers nya.

    kahit dyan sa monumento circle, hindi pa ako natraffic.

    nagsisimula lang ang traffic pag dating sa city of manila (r. papa).

    sa mga taga caloocan, napansin nyo ba ito? or maganda lang ang timing ko tuwing dumadaan ako dyan?
    Signature

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    184
    #2
    Mukhang magaling nga ang mayor ng caloocan. Napadaan din ako dyan a few weeks back, at talagang nagtaka ako at feeling ko wala ako sa caloocan dahil walang traffic.

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #3
    maganda pag ganyan na naaayos nila ang flow ng traffic,

    at sana mapatupad ng maayos ang mga batas trapiko...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,375
    #4
    yep, mas maayos na compared dati. the ones causing the problems in monumento area are the jay-walkers. sobrang hirap idisiplina. people power pa kung tumawid! hehehe

    yung mga traffic enforcers ni echiverri (naka blue t-shirts with his trademark smiley face), di naman sila nanghuhuli. they're just there to assist the flow of traffic and pedestrians. if ever you make a mistake, they'll let you know by looking at you in a bad way (sama ng tingin). other than that, puro mmda lang mga nanghuhuli sa caloocan.

    my only rant is that the roads frequented by big trucks coming thru and fro the pier are being pulverized. although the local government put asphalt over the potHOLES, just a little water would dislodge the asphalt. then it's all back to offroading in the city again...

    PS: echiverri corrected what the previous administration made a mistake on-- making the monumento circle not a circle. that caused very ugly and hideous traffic jams!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Halos araw araw ako dumadaan diyan. Improved naman traffic. Pero sa A. Mabini hayop pa din.

    Yung mga enforcers usually effective naman especially around Monumento. Pero may masamang experience na ko sa kanila regarding the tow rope thing.

    Bawal na dumaan ang trucks at buses dun sa junction ng Samson road at Monumento (yung may pink fence na stretch). Pero walang signage kaya favorite nilang hulihin yung mga truck na galing probinsya or yung mga hindi sanay sa Caloocan.

    Pagpasok ko ng Samson, from Monumento, buong right lane pila ng PUJ. Minsan side by side na sila so wala na talaga kong madaanan. For stress relief, hindi ko na lang binibitawan yung busina ko. Tapos kapag katapat ko na yung enforcer, siya minumura ko.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #6
    bago lang si mr. pogi-smiley sa caloocan.. last election. first term nya pa lang.

    ung last na mayor.. bago mag-eleksyon, hinayaan ung mga vendors.. nasa kalsada na mismo. pati traffic.. sobrang traffic..hehe ayun akala nya kasi, iboboto pa rin sya ng mga tao dun.

    ngayon, maayos na nga.. pero sana tanggalin nya mga picuteres/billboards nya. ayusin na lang nya ung city nya.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    lubid lang pala ang pang-control sa pedestrians hehehe. galing.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #8
    I pass by the Monumento Circle everyday... and the improvement was tremendous!

    Traffic is now manageable and the streets are cleaner.

    Although marami lang talagang pasaway na PUV who would stop in the middle lane to load/unload/wait for passengers. Dinadaan ko na lang sa busina... irritating ang busina ng Rav4 eh... hehehe.

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #9
    i'm from caloocan... medyo nag-improve na ang traffic sa may monumento circle...

    other parts ganon pa rin especially on saturdays and at night. grabe yung mga PUV sa intersection ng Sangandaan at Samson Road... ginawang malaking terminal yung kalsada...

    yung mga daan starting from C3 papuntang A. Bonifacio grabe na talaga. para kang nasa buwan...

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #10
    hindi na masyado rat race at bumper to bumper.

Traffic in Caloocan City: Have you noticed?