Ilang kalye, isasara para sa DZMM Takbo 2016
ABS-CBN News
Posted at May 23 2016 10:21 AM
Abiso sa mga motorista: pansamantalang isasara ang bahagi ng Roxas Boulevard sa darating na Linggo, Mayo 29, para sa "DZMM Takbo Para sa Pamilyang Pilipino."
Mula 4:00 ng madaling araw hanggang 9:00 ng umaga, sarado ang Roxas Boulevard southbound mula Katigbak Street hanggang Buendia Avenue.
Gayundin, sarado ang Buendia Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Kalayaan Flyover.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
Gaganapin sa Linggo, Mayo 29 ang DZMM Takbo Para sa Pamilyang Pilipino sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ang malilikom mula sa naturang takbo ay ilalaan para sa 75 iskolar ng DZMM mula sa Mega Manila at Cagayan de Oro.
Ito na ang ika-17 taon na maglulunsad ang DZMM ng pagtakbo para sa espesyal na mga benepisyaryo.