Plano ko kasi bumili ng 2nd na sasakyan .. pero gusto kong maka siguro na private use talag mabibili ko kaya may tanong ako tungkol sa date of first registration na naka indicate sa ibaba ng Certificate of Registration ..
Sa pagkaka alam ko, kung ano ang YEAR MODEL ng sasakyan, hindi magkalayo ang DATE OF FIRST REGISTRATION neto .. Kung 1 year ang agwat, ok lng siguro kasi meron naman previous year model na ngayon year pa nabili .. Halimbawa ay kung bibili ako ng Vios 2014 model ngayon, yung date of first registration ay 2015 na ..
Pero kung sobrang layo ang year model sa date of first registration, ano ang possible na status ng sasakyan ??? Hindi ba cya private ?? Company Car ba dati or Ex-Taxi ??
Meron bang sobrang Old model na stock na nabibili sa CASA ?? For example, Corolla GLi 1995 model na hindi na benta until 2002 kaya yung date of first registration nya sa CR ay 2002 na ... Tulad ng sa picture ...
Diba dapat ganito ang normal na year model at date of first registration ????