New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 19 of 19
  1. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    186
    #1
    I was parked in the 3rd basement of our office. matarik ang akyat and one time, nung paakyat ako, di ko namalayan na napagaan ang tapak ko sa silinyador sa first gear, nung nasa gitna n ako ng matarik na daanan, hindi ko nahabol, kahit tapakan ko pa ang silinyador. Eventually, kinapos, so pina-atras ko na lang (at neutral), then tried (bwelo) again. Is this normal? di ba dapat kumagat pa rin sa 1st gear?

    thanks in advance.

  2. Join Date
    Apr 2003
    Posts
    526
    #2
    Did you step on the clutch and start over? Timpla uli. Pag hinabol mo lang ng gas yun di talaga kaya.

  3. Join Date
    May 2004
    Posts
    156
    #3
    baka hindi kaya ng makina mo. low torque from the engine. tinimpla mo sana. much higher rpm tapos konting slip sa clutch

  4. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    252
    #4
    sir mgbrillo, sana apak lang muna ng break then timpla ulit ng clutch at silinyador... cguro parang naka hang ka lang sa fly over nya.. <sana nakatulong> ;-)

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #5
    happened to me before... on a wet and steep incline...

    about 1/4 in to the incline i was wondering why i wasn't moving... i jammed the gas a little bit more but nothing... then i just floored it and i was able to recover...

  6. Join Date
    Apr 2003
    Posts
    526
    #6
    nakakatakot yang pag sa wet and steep incline. I was with a friend and he was driving a sentra going up megamall. Nagskid and umiiyak na yung gulong and the car was going sideways na bcoz of this.
    Buti nakarecover kundi sapol sa pader yun.
    I guess di din pwd yung sobrang birit sa gas in this case.

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    50
    #7
    normal yan sa mahinang makina and hindi tinimplahan ng clutch... pwede ring depende rin sa tuneup ng makina mo kaya di kinaya than its usual...

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #8
    usually naman sa timplahan lang ng gas and clutch yan makuha mo na eh...

    pero kpaga hindi na makuha sa tamang timpla ang mukhang kelangan na ipa tune up yung makina....

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #9
    di kaya sa clutch system mo, baka sign na ng clutch slippage yan

  10. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    186
    #10
    hinabol ko sa timpla.. hindi kinaya eh.. pababa ng pababa yung rpm ko.. which i find unusual kasi nga at first gear eh dapat kakayanin.. unless all you said are right.. then i have to say, mahina ang auto ko? nakupo! it only happened once.. di pa naman ulit nangyari at walang pagbabadya.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    641
    #11
    Mark buwelo....bili ka na kasi nang 4x4 :D

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #12
    engage mo muna hand brake, tapos timplahin mo. pag feeling mo ok na timpla, disengage hand brake para umandar na. always works for me pag dala ko mga diesel na auto sa bahay :D

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #13
    tama si ssaloon..

    medyo hirap din ako sa mga pull & turn type na hand brake.

  14. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    37
    #14
    nangyayari sakin lately minsan sa circle c mall along congress.ave.matarik yun exit 1.3 makina. parang nalulunod at ayaw tumaas ng rpm.namamatay. minsan pag naclutch ko nag rerev tapos umaaykat naman. ano kaya prob? last month lang nangyayari to. before hindi naman. 1.3 engine pero kaya naman before with no problem kahit saan.

  15. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    1,076
    #15
    Quote Originally Posted by bondz View Post
    nangyayari sakin lately minsan sa circle c mall along congress.ave.matarik yun exit 1.3 makina. parang nalulunod at ayaw tumaas ng rpm.namamatay. minsan pag naclutch ko nag rerev tapos umaaykat naman. ano kaya prob? last month lang nangyayari to. before hindi naman. 1.3 engine pero kaya naman before with no problem kahit saan.
    bondz, avanza ba oto mo? ako kasi avanza 1.3 din...ang practice ko sa oto ko sa matatarik..dyan sa circle c nagpupunta rin ako..bale 1st gear lang tapos di kaagad bomba sa silinyador ang gusto e mahinang apak lang muna iyak sa 3k ang rpm hanggang umarangkada ang makina..

    nangyari kasi sa akin dati sa taal pinilit ko iapak silinyador, bumagsak ang rpm pati gas ko bumaba..dapat talaga gapang lang kahit umakyat ng husto rpm lalo na sa matatarik.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    266
    #16
    *mgbrillo
    baka naman sobrang tarik nung incline kaya hindi na nahabol, at isa pa baka nabigla yung tapak mo sa silinyador. nagkaroon ng sudden rush of fuel -- kinapos ng hangin kaya bumaba ng tuluyan yung rpm. nagkataon lang yun... di naman siguro mahina ang makina ng oto mo.

  17. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    37
    #17
    hay naku spark plug lang pala yun sa akin! pinalitan ko kasi yung ngk bp6 kasi marami ng black deposits 3or 4 years na kaya yun. installed bosch na parang may #7 na nabibili sa concord sa sm north (closed na kc yun mga auto shops sa labas) after 2 or 3 days balik sa palya at yun nga namamatay minsan sa mga matarik na basement parking. after a long decision kinuha ko yun lumang ngk at nilinis ko ng husto using sandpaper.
    ayun ok na auto ko. maganda na ang takbo. at di na hirap sa mga matarik na parking.

  18. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    99
    #18
    kung madalas pong mangyari yan, malamang sliding na yung clutch assembly mo paps...i know naman hindi ka na baguhang driver

  19. #19
    hehe, alala ko experience ko kasama si wifey, sa makati once sa may alliance, ung parking nila matarik, dala ko ay sentra '88 hehe, mejo luma na talaga ayun, nabitin sa gitna, atras ako ulithehe, tapos meron dun nakapark na awto na may bading na drayber, kumaripas siya kasi kala niy babangga ung pwet ng awto sa side niya, tawa kai ng wife ko, ayun bumwelo na, ayos naman, hehe,

    at sa papuntang nagcarlan din sa laguna, galing liliw, meron din dun sobrang tarik na paliko pa, di kinaya ni sentra '88, kahit nakahandbrake, umaatras, taranta lahat ng nasa likod namin, hehe, U-turn nalang at bumalik, hehe, nagalit pa sakin misis ko, kaya naman daw, hehe.. sabi ko kaya nga pero pag akyat natin dun di na tayo aandar, hehe.. hirap ng mga matatarik sa isang lumang sedan na awto, hehe

    sarap talaga mag 4x4, saka na siguro pag yumaman na ako

kinapos sa 1st gear