Matagal na ba ang city ordinance sa las pinas na wala silang window from 10am to 3pm sa coding nila? At direchong 7am to 7 pm ang coding nila? kanina nahuli ako ng mga bataan ni villar .... nakabantay sila malapit papasok ng C-5. Dati na akong dumadaan doon kapag fri pero wala namang nanghuhuli kz kapag dumaan ako after 10am na....specially before election... ngayon natalo si villar bigla silang maghihigpit sa coding na yan?bakit kailangang kailangan ba nila ang pera pambayad sa mga utang ni villar? Unfair sa amin yan na taga cavite..... ang manila may window sila wala eh papaano kami makakadaan papuntang manila eh kung di kami dadaan sa las pinas eh ang coastal dadaan din ng las pinas? kung maisipan nilang manghuli sa coastal rd?eh ipit kami dahil lang sa isang lugar? ANO BA TALAGA ANG NASA ISIP NILA? Bakit di magkaroon ng isang ordinance na lang? kung bawal 7am to 7pm ...eh di ipag bawal sa lahat ng lugar.... Ang liit liit ng pilipinas ni di magkaisa. ANU BA YAN? Naisip ko baka kailangang magbayad si villar sa mga utang niya kaya bigla silang nag higpit?mahigpit ang panganga ilangan sa pera ang city of las pinas.
At isa pa .... Yang mga taga MMDA walang mga utak.... isipin nyo naglagay ng provincial bus terminal sa mismong gitna ng Buendia-Taft.... yung mga pasahero naman tawiran ng tawiran sa kalye kaya grabe ang traffic.... ang masakit magbababa ng pasahero ang isang punong bus at sabay sabay tatawid kaya tayong mga motorista naman ang maaapektuhan sa traffic.... lalo na pag rush hour...,. ok lang kung kayang controlin ng MMDA ang pagtatawid ng mga tao pero hindi....
Ito naman ang ulyanin na mayor ng manila ....bakit ayaw payagang hanggang lawton ang mga provincial bus eh samantala may provincial bus terminal naman doon? Kaya lalong lumalaki ang gastos ng mga pasahero lalo na ang mga student dahil sa palipat-lipad ng sakayan.... gastos na sa pasahe at gastos pa rin sa oras.... oo time consuming yung bababa ka ng taft at sakay ng jeep o lrt. Walang puso yang si LIM...papaano yan nanalo?bakit yung ganyang taong wala puso ang binoto ng taga manila? dati ng wala yan... gumaganda ang manila dahil kay atienza pero ng bumalik yan... mamatay na naman ang manila.At nag sakripisyo na naman ang naman taga cavite.![]()



Reply With Quote


