New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 58
  1. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #1
    Mga Sir and Ma'am hingi lang po ng inputs regarding sa accident na nangyari sa akin.

    I was travelling Agham rd. Naka green light yung traffic light but still medyo mabagal padin takbo ko mga 35 to 40kph tapos mga ilang metres before crossing the agham/quezon ave intersection, may isang PUJ na nag beat ng red light papuntang edsa. So medyo na focus yung attention ko sa PUJ nun then nung halos patawid na ako sa intersection, may isang PUJ ulit na nag beat ng red light and it was too late for me para maiwasan siya kaya ayun nabangga ko yung tagiliran niya (right side) and sira yung buong front cut ng corolla small body ko.

    Sino po ang maya kasalanan and dapat managot sa accident? ako na nakabangga sa PUJ or siya na nag beat ng red light kaya nangyari ang accident? TIA

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,104
    #2
    Sya, kasi sya yung nasa wrong side of the LAW.

    Dapat ikaw bayaran nya (kaso dadramahan ka nyan so stand your ground firmly).

    BTW, meron kang insurance?

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #3
    well, ikaw ang bumangga so technically it is "your fault". besides, it is very hard to prove that he was trying to beat the red light unless you have willing witnesses.

  4. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #4
    *Horsepower

    Sir thanks sa reply. Actually siya mismo nung tinanong ng enforecer nung nagkaharap na kami eh sabi niya "kasi may sinusundan siyan jeep". Hindi siya makasago ng maayos and talagang halata mo na siya may kasalanan.

    Ang problem eh yung operator eh matigas kasi nga naman ako daw bumangga kahit saang anggulo tignan. Pero sabi ko mag usap nalang kami sa court.

    Sabi nung Enforcer sure na panalo ako sa kaso kasi siya mismo nung iniinterview kami eh di masagot ng maayos nung driver ke orange daw yung light kaya tumuloy parin siya tapos ke may maunang PUJ daw kaya sinundyan nya etc..

    Oo nga pala, may witness din ako na nagpapatunay na stop yung jeep kasi pasahero siya dun sa jeep and bumaba siya mga ialng metro bago kami nagkabanggaan ng PUJ kasi natakot siya dun sa pagpapatakbo ng jeep kaskasero daw. Nakuhanan ko na siya ng statement and ako ang unang nagfile ng reklamo, (hindi pa daw nag file yung operator).

    Malaki po ba talaga chance ko na manalo sa ganitong case? TIA

  5. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #5
    *claRkEnt
    sir may witness po ako and yung enforcer mismo na nag interview sa aming dalawa eh talagang alam na mananalo ako pero siyempre hindi naman siya mismo mag dedecide nun kung hindi yung mag hahandle ng case sa city hall.

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,104
    #6
    To be candid with you, I am not a lawyer so better ask one to be sure.

    In the interest of right vs wrong, natural tama ka. and you did the right thing by having it documented by the enforcer, securing the witness testimony and filing the complaint.

    However, with our judiciary system, good luck. If you can have a settlement from the operator, mas ok yun than drag on with this kasi maubos oras mo dito (unless you're getting a huge amount of settlement). Pero wag na wag ka pipirma ng quitclaim and release waiver unless you get hold of the cash (kasi check pwede tumalbog, hintay kamo ng clearing). Check mo rin baka fake yung bills na ibayad sayo.

  7. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #7
    "...Pero wag na wag ka pipirma ng quitclaim and release waiver unless you get hold of the cash (kasi check pwede tumalbog, hintay kamo ng clearing).."

    ok to sir i will keep this in mind. Sana nga sa preliminary investigation sana mag kaayos na kami.

    35k damage sa car ko and ipinapagawa ko na siya kasi kailangan namin siya.

  8. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    641
    #8
    Quote Originally Posted by hex View Post
    "...Pero wag na wag ka pipirma ng quitclaim and release waiver unless you get hold of the cash (kasi check pwede tumalbog, hintay kamo ng clearing).."

    ok to sir i will keep this in mind. Sana nga sa preliminary investigation sana mag kaayos na kami.

    35k damage sa car ko and ipinapagawa ko na siya kasi kailangan namin siya.
    sorry to hear about the accident..
    with regard to your queries, as much as possible, avoid court battles.. kasi, even if surewin ka, matagal and agonizing ung process, not to mention costly both in monetary terms but also time and effort as well.

    try to have out of court settlements and get the most from the other party to cover for the expenses. hope you still have your car covered with insurance.

  9. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #9
    *badbadtz.carlo

    sir unfortunately tpl lang insurance ng car ko kasi luma na siya. Eh sana nga wag ng magmatigas yung operator lalo na't may witness ako and pati yung enforcer kampi sa akin .

    Before naman daw umakyat sa korte eh susubukan munang mag kaayos kami ang sana nga mauwi sa ganun.

    Nakakaasar lang talaga and ang parang ang hirap lunukin na ako lang ang gagastos para sa damage ng car ko kaya gusto ko mag kaharap kami nung operator para mapagusapan ang lahat.

  10. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #10
    Pero sa batas trapiko po ba eh talagang ako po yung nasa tama dahil naka GO/GREEN ako kahit na ako pa ang bumangga sa PUJ?

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Vehicular accident