Naalaa ko pa nga minsan noong bagong labas ang Feroza namin (8 yrs ago) ay nahuli ako ng pulis dahil hindi pa siya registered for that year. Hinuli ako at gusto 500 na lagay pero 200 lang pera ko. Pinag-withdraw pa ako sa ATM ng pulis para sa lagay niya! Nakaka-inis! Malaki kasi multa at mas mura lagay.
nung college naman, pumasok ako sa No Entry na street (hindi ko napansin yung sign) tapos hinuli ako, naglagay ako ng P10 (student pa lang kasi ako), inipit ko sa license ko, tapos naawa sakin at binalik yung P10 ko... mahabang diskusyunan pa bago ako pinaalis...
never... meron isang beses back in college.. willing akong maglagay... pagtingin ko sa wallet ko.. wlaa na pala akong pera.... sinamahan pa ako nung pulis sa isang atm.. pagtingin ko.. kulang din.. ehhe. so sabi ko.. "tiketan mo na lang ako"....
tinakbuhan ko yung isa sa galleria/lasalle flyover
tinakbuhan ko rin yung isang beating the red light sa quirino ave near singalong. di ako pwede mahuli kasi hindi pako nakapag renew ng license noon...
one time naman, nagtubos ng isang color coding way back when it first started, 7:45am ako nahuli e, hindi lumusot...
contested once - swerving daw sa sm north edsa.
yung isa sa pasay gusto ako kotongan beating the red light - pero galit na galit ako dahil hindi ko naman ginawa, ayun lusot...
odell, pansin ko.. malakas manghuli pulis ng mga kaage natin. ewan ko ba minsan na titripan lang ata...
1st time ko bigay ako 100 swerving daw..sunday pa
2nd time ko nagpaticket ako kasi pinipilit akong palefturn eh dederetcho ako..nasa 3rd lane ako ng 5lanes na roxas blvd... ayun nagpaticket ako. learned a lesson magbigay ka nalang pag nahuli hahaha
nung college naman, pumasok ako sa No Entry na street (hindi ko napansin yung sign) tapos hinuli ako, naglagay ako ng P10 (student pa lang kasi ako), inipit ko sa license ko, tapos naawa sakin at binalik yung P10 ko... mahabang diskusyunan pa bago ako pinaalis...
halos ganyan din nangyari sa akin nun college days ko
one time papunta ako sa ojt ko, nakalimutan ko kasing ibalik yung plate number ko, dark tint pa naman oto, first time ko nahuli nun, di ko akalain na meron din pala nanghuhuli dun kasi barrio na yata yun.... tapos wala sa oto yung rehistro, sakto kasi na nilinis ko oto kaya tinabi ko mga kalat, buti na lang naka-uniform ako, and di naman cguro ako mukhang carnapper... ala pa naman ako pera nun, 100pesos lang... buti nadaan sa pakiusap and sa smile =)
NEVER..masama un..saka gusto ko pa umunlad ang pilipinas..!! baket ka magbibigay sa mga mokong na un..kung nagbigay ka sa kanya parehas na lang kayo ng lagay nun..low-life..kung may violation ka man, panagutan mo kasalanan mo naman un eh..kung wala kang kasalanan pwede mo naman i-complain sa MMDA without surrendering your license..malaking abala nga pero malaki magagawa nito para sating lahat.
Sana po..hwag natin tangkilikin ang GRAFT & CORRUPTION..tayo na rin ang sumisira sa sarili naten. kung nagagalit kayo sa mga opisyales naten sa gobyerno dahil sa mga kalokohan nila..wala rin tayong pinagkaiba sa kanila kung ganun.
Lagi ko ring naiisip yang mga ganyang factor na magiging kalevel ko sila and nagiging part din ako ng problem.
Pero I remember many many years ago, nang mahuli ako for illegal U-turn(kahit alang nakapaskil hinuli pa rin), naguluhan ako and it turned out naglagay din ako sa pulis ng 25 Pesos.
Point is madaling sabihin pero kapag nandoon ka na sa situations na iyon minsan maglalagay ka rin dahil sa kalituhan. Later mo marealize na mali pala ang ginawa mo.
Kaya para doon sa mga nakagpalagay...we can still do better some other time. We can still make a difference ika nga.
hehe ako naman isip ko tlaga d maglagay tas d nga tlaga ako naglagay nung 2nd time ko.. but afterwards napaisip ako sana naglagay nalang ako ng 100, kesa nahassle pa ako papunta mmda tas 150 pa binayaran ko tas mapupunta lang din naman sa bulsa ng politiko. ahayyy