New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 30
  1. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    134
    #1
    Three months palang ako nagmamaneho, tapos kanina, hinuli ako ng traffic enforcer kasi stopping over the yellow box ako. Mali nga naman ako. Kahit alanganin na yung posisyon ko, di ko na tinuloy yung left turn ko, kasi patay na yung left turn na ilaw. So ayun nahuli ako.

    Anyway, ayun medyo nataranta ako kasi nga, 3 months palang ako nagmamaneho tapos first time kong mahuli. Kasama ko yung misis ko sa sasakyan.

    Ganito yung nangyari:

    (1) Paglapit sakin nung Traffic Enforcer, pinaliwanag niya sakin yung violation ko, tapos hiningi yung lisensya ko. Parang mabait naman siya, nag-small talk. Sabi niya "Ser, ang haba pala ng pangalan niyo," (which is true).

    (2) Habang nagsusulat siya, pinaliwanag ko na di ko lang kasi tinuloy yung left turn kasi patay na yung ilaw. Yun nga lang nasa alanganin na ako, sabi ko baka pwedeng warning nalang.

    (3) Wala siyang imik. Tuloy lang yung pagsulat niya tapos may kinakausap siya sa radyo niya, di ko sigurado pero parang nakikipaglokohan, tapos nun sabi niya saken kukumpiskahin daw niya yung lisensya ko.

    (4) Tinanong ko kung anong mangyayari niyan. Sabi niya kelangan ko daw tubusin yung lisensya ko sa opisina nila.

    (5) Tinanong ko kung magkano. Sabi niya, hindi daw sila pwede magsabi ng presyo. Naglabas nalang siya ng printout ng memo tapos nakalista dun yung violation na driving over yellow box. Sabi niya "Pakibasa nalang ser." Ang nakalagay dun sa memo, Php1,000.00 an tubos/multa para sa driving over yellow box.

    (7) Tapos sabi ko baka pwedeng pakiusapan nalang siya [ine-expect ko na by this time na magbibigay ako]. Kasi kailangan ko talaga yung lisensya ko dahil yung asawa ko na nasa passenger seat pwede na manganak anytime (which is true, as soon as 2 weeks from now pwede na manganak ang misis ko, maybe even earlier). Kitang-kita naman niya na butis ang misis ko at malaki yung tiyan.

    (8) Nagsulat pa siya, tapos small talk pa. Tinanong kung pauwi na kami, sabi ko oo. Tapos nagsulat pa siya, tapos inabot niya saken yung bolpen. Tinanong ko siya kung anong gagawin ko.

    (9) Sabi niya, "Paki-pirmahan nalang ito ser. Bibigyan ko nalang kayo ng warning. Dapat kukumpiskahin ko yung lisensya niyo, pero ibabalik ko nalang, tapos wawarningan ko nalang kayo. Paki-pirmahan nalang 'to," (sabay abot ng parang "pad paper" niya).

    (10) At this point, lalo pa akong nataranta kasi hindi ko alam kung pipirmahan ko tapos ganun nalang o magbibigay ako. So ang ginawa ko, since nakatingin naman siya sa akin, pinirmahan ko nalang, tapos sabi ko "Meron pa ba?"

    (11) Sabi niya, "Yun nalang po, pwede na kayong umalis."

    (12) Pagkatapos nun, sinara ko na yung bintana, tapos umalis ako. Ang kinalabasan, nasa akin pa yung lisensya ko, tapos wala akong binigay.

    Kaso kinakabahan ako. Ilang tanong lang po:

    - Sa taranta ko, hindi ko na nakilatis yung pinipirmahan kong parang "pad paper" nung trafic enforcer. Ang nalala ko lang eh medyo gray yung papel mga 4" x 6" ang kali, hindi parang bond paper. Tapos nakasulat dun yung pangalan at address ko, pero may iba pang detalye na hindi ko na napansin. Standard procedure lang ba ito? May pinipirmahan ba palagi kapag nahuhuli? Nakakatakot kasi pirma yon eh. Alam kong delikado na pumipirma nang hindi binabasa ang pinipirmahan, pero narealize ko nalang ito nung nagmamaneho na ako papalayo.

    - Dapat ba nagbigay ako? Sa tingin niyo ineexpect nung traffic enforcer na magbigay ako? O totoong warning nalang yon dahil buntis yung misis ko? May "signs" ba ako na namiss para malaman na naghihintay siya ng lagay? Tinatanong ko lang kasi baka maging disgruntled yung traffic enforcer na hindi ako nagbigay, eh nasa kanya pa naman yung pangalan at address ko...

    Basically ang tinatanong ko lang: May dapat ba akong ginawa/hindi ginawa? At dapat ba akong kabahan about anything?

    Sorry, newbie ako sa panghuhuli ng traffic enforcer eh, di ko talaga alam kung anong dapat gawin/i-expect kanina.

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #2
    ano yung pinirmahan mo? may mga box box ba? slot na pedeng sulatan nang name? malamang aappear yan sa sunod n renewal mo...

    happened to me once sa Coastal akala ko napakiusapan ko kasi di kinuha yung lisensya ko....saktong sakto tulad ng ginawa sayo... nung nagrenew ako ng lisensya ayun may hit ako.

    San ka nahuli sir?

  3. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    445
    #3
    Ganyan din nangyari sakin, turning left to San Miguel ave. naman, nde ko na tinuloy napahinto naman sa pedestrian lane. Pinapirma ko ng paper,may nakalagay sa header ba warning for violation..

  4. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    134
    #4
    Quote Originally Posted by chrismarte View Post
    ano yung pinirmahan mo? may mga box box ba? slot na pedeng sulatan nang name? malamang aappear yan sa sunod n renewal mo...

    happened to me once sa Coastal akala ko napakiusapan ko kasi di kinuha yung lisensya ko....saktong sakto tulad ng ginawa sayo... nung nagrenew ako ng lisensya ayun may hit ako.

    San ka nahuli sir?
    Pa-liko ng Mercedes Ave. Sa pasig from C. Raymundo.

    Di ko napansin kung may box box, pero madami lang siyang lines, tapos sinulat niya pangalan ko dun, location, tapos pina-pirma ako sa baba.

    Ano ang mangyayari pag may lumabas sa record mong hit upon renewal?

  5. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    572
    #5
    As per my huli-experience, malalaman mo agad kung nanghihingi ang traffic enforcer if he mentioned something like
    "naku sir blah blah ang tubos nito plus seminar blah blah" if you read between the lines....means mas makakamura ka kung mag abot ka na lang minus the abala pa. For your situation Sir valacirca, seems di nya intended manghingi. And at least may consideration sya. I also got some warning thingy but as in warning lang talaga, no paper signed. as the enforcer said titignan nya license ko...pinakita ko pero hawak ko at nag uusap kami in a polite manner.

  6. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    938
    #6
    Ako naman dati, naliligaw sa pasig, napasok sa one way, nung dumaan yung tricycle sabi oneway, nag hazard agad ako at huminto.

    Aatras na sana ako pero nilapitan ako ng enforcer. Kinuha lisensya ko, nagsulat sulat tapos nakiusap erpats ko na naliligaw lang talaga kami, na totoo naman. Sabi kasi nung napagtanungan namin, pag dating ng kanto, kanan ka, one way pala hehe.

    Ayun, sabi niya tutubusin nalang daw sa city hall and all...4 months na driver pa lang ako nun, first long drive ko, di ako makapagsalita kaya erpat ko nakipagusap. Mukhang nag aantay ng lagay si kuya kasi nag banggit ng presyo.

    Tapos ayun, binalik sakin, wala naman pinapirmahan.

    Tapos sa manila 2x ako nahuli, pero nag sorry lang ako at nakiusap, hindi naman hiningi lisensya ko at pina alis na ako.

    Ano ba meron pag pumirma ka sa ganyang for warning? Hit sa renewal?

  7. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    134
    #7
    nako bat kayo walang pinapirma, ako meron

    ano ba ang mangyayari pag may hit sa renewal?

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    938
    #8
    May fee, yun ang alam ko.

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    844
    #9
    Malamang may babayaran kang penalty pag renew mo ng lisensya mo. Nung mahuli kasi ako minsan, nakiusap ako sa enforcer na warningan lang din ako. Sabi nya di na raw pede kasi naisulat na yung pangalan ko sa ticket. either pirmahan mo yan o hindi, pagpapaalam ko basta naisulat na nila, may hit ka na nyan sa renewal mo.

  10. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,218
    #10
    Quote Originally Posted by boytsiks View Post
    Malamang may babayaran kang penalty pag renew mo ng lisensya mo. Nung mahuli kasi ako minsan, nakiusap ako sa enforcer na warningan lang din ako. Sabi nya di na raw pede kasi naisulat na yung pangalan ko sa ticket. either pirmahan mo yan o hindi, pagpapaalam ko basta naisulat na nila, may hit ka na nyan sa renewal mo.
    medyo OT.. kasama ba dito MAPSA sa makati? nakadalawang ticket na ako sakanila pag tutubosin ko na sa office nila may sasalubong fixer agad na MAPSA din naka uniform pa walang hiya.. two times konarin sa fixer tinubos lisensya ko ..

Page 1 of 3 123 LastLast
Nahuli ako for the 1st time. Parang malabo ang mga pangyayari. Medyo kinakabahan.