meron po bang TACP (toyota auto club) dito sa tsikot? ok po ba maging member ng TACP? parang hirap mag join dun dahil kelangan pa umatend ng 3 meetings?
ano comments po?
It is just their way of controlling the membership. It took a while for me to be able to join the club but then again you have comply with the policies set if you are serious in joining. The policies implemented in TACP is also similar to the Honda Car Club Philippines (HCP) wherein you have to attend 3 ebs before you can be qualified to register and access some threads in their website. I still have some ebs also to attend at that club before I could register
maganda naman kaya usapan sa forums ng TACP? curious lang kasi ako.. sana nga eh pwede kang read mode man lang din dun hehe..
baka naman pag nagmember ka na dun eh walang laman ang mga forums.. 3 EBs? ..edi tatlong buwan yun? .. paano ka pa makakahingi ng tulong nun pag meron problem yung toyota car mo.. sana man lang eh hindi 3 EBs.. meron sana shorter way na maging member..
member na ako ng grupo toyota.. ok naman dun at walang problem.. kaso parang more on corolla lang pinag-uusapan dun hehe..
so far ok naman naman tsikot at sobrang dami na ako agad natutunan..(sipsip ba? hehe) ..
sana nga kung pwede yung ibang forums / threads pwedeng mag post and non-members, or kahit man lamang read only....
para rin medyo familiarized ang mga prospective members sa mga current members, medyo hirap rin na sumipot sa EB na wala ka namang kilala kc...
btw, ano ba ginagawa sa eb ng TACP?
ganun ginawa ng mga officers ng protegetech... may mga threads na open for public, yung iba for members only... lalo na with regards to car modification...
sir mazda..i think kaya naging ganyan yan kastrict kasi na sabotage yung site ng TACP before... i was a member na nun nung naging ganun yun eh, then pag balik ng TACP ang higpit na. ang ayaw ko lang dun its not as fun as dito... ala yung mga extra patawa and all hehehe masyadong technical. pero if car stuff tlaga hanap mo ok dun. and may times na na leleft out lang nga tau mga d masyado close sa kanila...may mga terms and topics sila na sila lang nagkakaintindihan hehe..
no offense s mga TACP member ah, i find their forum very informative chaka civil. masyado lang seryoso.
medyo matagal nga un application, tatawagan ka pa ata before ka makaattend sa eb
mazdamazda, pissword
The observations voiced out are true in some respects and I think it is due to the issues they had later this year. Thats the reason why they screened the prospective members before giving their nod.
hehe... sana gawa nalang tsikot ng sub directories.. hehe... for toyota peeps... and other manufacturer peeps... hehe.. yun lang nga baka magkagulo.. hehe
clubmitsu ganyan din, must attend 2 ebs and have an accomplished application/sign-up form bago maging official member. pero at least pwede magbrowse sa forums ang mga nonmembers
bakit kelangan ganun yun mga clubs?hehe why d pwede tulad ng tsikot na parang free for all tas respeto nalang sa isat isa para walang gulo... nabibilibilib ako lalo sa tsikot hahaha
Originally posted by pissword bakit kelangan ganun yun mga clubs?hehe why d pwede tulad ng tsikot na parang free for all tas respeto nalang sa isat isa para walang gulo... nabibilibilib ako lalo sa tsikot hahaha
RESPETO, magandang katangian yan kapatid.
A requirement of 3 EBs makes it look like the Forum only revolves around the members. Paano ang ibang tao na hindi kayang maka attend ng EB? kagaya ng mga nasa Visayas, Mindanao, or better yet...OFWs. Ganun pa man, yung mga busy sa buhay nila at nakakapag diskusyon lang eh sa pamamaraan ng internernet? Kailangan bang mag bond tayo physically? Pwede naman tayong maging mga magkaibigan and at the same time magandang samahan kahit hindi tayo nagkikita. Siempre, mas okay din yung magkita kita tayo pero paano sa pansamantala? Kung ganito ang prinsipyo at pananaw ng Tsikot, eh isa na ako sa mga hindi maka access ng Tsikot.com. Mabuti na lang at malawak ang pang unawa ng Tsiko.com.
Ang iba namang Forum ay hindi ka na pwedeng mag browse sa ibang directory dahil hindi ka member?! Ito daw ay dahil sa pinansyal na dahilan. Marahil ay naintindihan ko na pinansyal ang problema, subalit huwag naman sana ipataw or ipasa ang problema sa members. Sa isang Forum, kailang mo nang member ka kung gusto mo ng tip sa about tech questions. Hindi naman lahat ng nagbigay ng mga suggestions doon ay member. Tayo tayo, sila sila and nagsama sama para ipahiwatig ang ating nalalaman sa auto tech, di ba? Eh bakit ngayon kailangan member ka na? Isa sa mga sagot ng moderator "Club daw kse iyon, kaya may bayad." Marami nang Club ngayon na libre naman ang membership at ang ipinang tutustos sa website maintenance eh yung mga so called 'sponsors.' Kung magkakaroon man ng bayad ang tech tips, ito po ay dapat mapunta kung cno man ang nagbibigay ng tips.
AC at wsa 400, maganda nga iyan. Pero ang TACP at kung ano pang specific vehicle ay magbabayad na ng FEE sa Tsikot. Instead na gumawa at mag maintain ang ibang Car Club ng bagong websayt, mas maganda kung Tsikot.com na ang maghandle ng website nila di ba? At ang mga Activities na lang ang problema ng kanya kanyang Car Club. Kagaya ng DIESEL CLUB, di ba andito na lang ang Forum nila?
napahaba yata, reply na lang ako sa may comment sa mga dinaldal ko :hihihi:
dami ko natutunan specific sa toyota dyan sa TACP nung open pa sa non members. Had intended to join the club until they changed the registration policy. Mahirap sakin dahil di naman ako mahilig maki EB.
For a newbie, i think kelangan nya muna ma feel yung board like know some of the forumers virtually bago magkalakas loob maki EB and malaman nya how informative the forum is for him before deciding to join formally.
revoGSX,
mahirap siguro sayo kung mag join ka ng 3 EBs, paid the membership, then later u found out na wala ring nag uusap gaano dun tungkol sa Revo (assuming its your subject of interest based on ur handle)...so how would u know kung walang "free taste"