
Originally Posted by
mox646
Mga sir ingat po kayo mag PMS sa Toyota BGC. Eto nangyari sken. Nag 1k pms ako sa kanila for my Toyota Innova last Jan. 23. 7am sked ko, nung kukunin ko na sabi ng SA ko kung may bangga daw bumper ko sa likod kasi basag daw. Sabi ko wala, 800kms pa lang natatakbo nyan lagi lang sa garahe so alam ko wala talaga. Pinakita nya sken bangga talaga, basag yung rear bumper guard. Kinausap yung manager, ayusin na lang daw nila. Wala naman ako magawa kahit magalit ako. Wala daw umamin kung sino nakabangga. Pero for sure car jockey daw. So iniwan ko sa kanila Thurs, nakuha ko Monday morning (Jan 29) ok naman na bumper. So akala ko ok na. Pag check ko sa loob ang gulo gamit ko, nawawala yung shades ko, yung coins sa wallet ubos as in simot kahit piso wala, may damit din yung anak ko sa ilalim ng upuan nawala din yun. Mali ko lang wala sa checklist ng SA ko. Hindi nya nacheck lahat kasi nagmamadali. Sobrang thankful pa din ako sa kanya kasi sinabi nya na may bangga yung bumper ko. Sa 2 car ko kasi hindi ko na din inaalis yung mga yun sa loob. May shades din ako dun hindi naman nawala for the last 5yrs. Iba talaga yung casa sa probinsya mas may concern ewan ko ba sa Manila mga bubwit yata. Yun lang po ingat po sa Toyota BGC. Nagemail nko sa Toyota Phils, and sa Global mismo pero wala pa sagot. Kahit hindi mabalik ok na gusto ko lang malaman nila baka sa lahat gingawa nila yun.
Sent from my iPhone using Tapatalk