Mga sirs/maam kakabili lang namin ng '99 Toyota XL Lovelife, ano ba mga features, specs, experiences niyo?, pros and cons?. para po magkaroon ako ng idea. This is our first car. need your expertise and experiences.
parang itsura lang ng body ang naiba lahat ng pang ilalim nyan ay parehas sa small at bigbody na corolla.
engine halos parehas lang din meron 2E 1.3, 4AFE 1.6 pero meron naman itong 7AFE na 1.8 engine na wala naman sa small body at bigbody na PHDM, bale nga pala yan makina ng XL mo ay 2E 1.3 na naka electronic na distributor katulad ng sa bigbody yung sa small body kasi meron pang contact point ang distributor ng 2E nya.
meron na yan power steering na wala naman sa XL ng small at bigbody na corolla.
experience ko naman dyan nang ilang beses na akong nakapag maneho nyan pakiramdam ko mas responsive ang steering nya pero sa takbuhan naman halos kaparehas lang sila ng bigbody.
consumption? 10 to 12 km/per liter sa highway and 9/10 kung city drive, dipende rin sa style ng pagmamaneho mo ganun din naman madalas nasa nagmamaneho lang kasi kung kaskasero ba sya mag maneho or kung moderate sya.
electoric na distributor eto yung tinatawag madalas noon na breakerless kasi may IC na'to at isa pa ang ignition coil nyan ay nasa loob distributor na mismo wala na rin contact point.
syempre ang babantayan mo dyan ay yun timing belts lalo na sinasabi mo ang natakbo na nyan ay nasa 100k na i think candidate na yan for timing belt replacement pero tignan mo muna yung nasa gear cover ng timing belt mo kung may sticker ba sya doon kung kelan ang last na pag palit nya ng timing belt.
sa presyo ng pagbili mo sa XL mo, well hindi na masama ang presyo nya pero kung natawaran mo pa sya nun aba mas lalong okey.
puede naman kargahan ng kargahan ng e10 yan.
Last edited by boy_tino; March 15th, 2010 at 02:15 PM.