Mga peeps, dumadaan ako dito sa may Marcos Alvarez Ave. sa may Moonwalk Village, Las Pinas pag pumupunta ako ng Cavite. One time, habang traffic, napansin ko itong malaking factory malapit sa tulay sa kanan when you are going to Cavite (garments factory ata ito) na bukas yung main gate. Sa loob, nakita ko mga isang dosenang mahigit na Toyota Fortuner, all brand new, na naka-park sa loob. Nung May ko pa ito napansin, di ko lang pino-post dito dahil sinu-surveillance ko pa tuwing dumadaan ako.
So halos isang buwan na ang nakakalipas, nandun pa rin yung mga Fortuner. Yung factory na pinaparadahan nila eh parang bodega. Again, garments factory ito. Nakakapagtaka naman na isa lang ang may-ari nitong isang damukal na Fortuner. Pano niya nabili lahat ito ngayong merong shortage ng units?
Hindi kaya hino-hoard itong Fortuner at hinihintay ang pag-taas ng VAT saka ibebenta? Ang daming units talaga 'pre!!!!!
Yung mga taga-Las Pinas jan. Kayo na mismo ang mag-surveillance. Ayokong magsalita ng tapos, pero kung hoarding ito, grabe na ang pagbabalasubas sa atin nito!
Sabi nung Toyota dealer na nakausap ko nung isang araw, hindi raw porke naka-pila ka na eh hindi affected ng price increase. Ang presyo daw na babayaran mo ay yung price ng unit at the time of delivery. Pusang gala!




Reply With Quote
