New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 42

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    51
    #1
    Mga bossing, yung 2-week old na black Toyota Corolla Altis S ko, nag-park kami sa mall, pagbalik namin me ga-singkong tuklap na pintura sa harap (sa may lagayan ng plate pero di matatakpan ng plaka, wala pa rin akong plaka) at maliliit na gasgas. Nakaka-bad trip kasi bagong-bago lang talaga, kagagaling pa ng car wash nung araw na 'yon. Dalhin ko ba 'to sa casa? May gagastusin na ba agad ako non sa casa? O ipagawa ko na sa iba?

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #2
    Quote Originally Posted by jr_altis_s View Post
    Mga bossing, yung 2-week old na black Toyota Corolla Altis S ko, nag-park kami sa mall, pagbalik namin me ga-singkong tuklap na pintura sa harap (sa may lagayan ng plate pero di matatakpan ng plaka, wala pa rin akong plaka) at maliliit na gasgas. Nakaka-bad trip kasi bagong-bago lang talaga, kagagaling pa ng car wash nung araw na 'yon. Dalhin ko ba 'to sa casa? May gagastusin na ba agad ako non sa casa? O ipagawa ko na sa iba?
    Kung sa bumper lang ang damage ok lang na wag mo muna ipagawa, di naman kakalawangin. Pero para di mo masyadong isipin, ipa estimate mo sa toyota kung magkano.

    Iyong avanza ko, may 2 na damage in different locations, gasgas with yupi and gasgas lang, di ko muna ipagagawa, pag malapit na matapos ang insurance, balak ko ipagawa, para once lang ako mag bayad ng participation. magastos kasi na every time na may damage ipagawa kaagad. every time kasi may participation.

    Malamang iyon Altis namin, ganoon din. BTW, black din ito. Ganda ng black pag bagong wax. kakapagod lang nga . Sa kinang nya, kita sa malipitan ang mga damage.
    Last edited by meledson; January 28th, 2008 at 02:06 PM.

  3. Join Date
    May 2007
    Posts
    243
    #3
    Iyong avanza ko, may 2 na damage in different locations, gasgas with yupi and gasgas lang, di ko muna ipagagawa, pag malapit na matapos ang insurance, balak ko ipagawa, para once lang ako mag bayad ng participation. magastos kasi na every time na may damage ipagawa kaagad. every time kasi may participation.


    what i know sa insurance di pwede na one claim ang accumulated damages. kung iba iba ang incidents mo and the damages are on different parts of the car di pwede ang one claim.

    kung ang damages are from different occasions but located on one side na mukhang pwede palabasin na isang aksidente lang, yon pwede ipagawa mo ng isang police/incident report. with that one particippation ka lang

  4. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    112
    #4
    if may budget ka naman...ipa repaint mo nalang yan sa casa, kaso 3.5k for the whole bumper...yan estimate nila per panel kaya no choice ka kasi if ipa sprayan mo lang....di sya mag blend, unless same sila pagkuhaan ng paint...pero if wala ka pa budget...pahiran mo muna ng touch up paint na binigay satin...if meron ka..ako kasi binigyan ng isang lata....at nakatulong sa mga small scratches...

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #5
    Quote Originally Posted by serial_killer View Post
    if may budget ka naman...ipa repaint mo nalang yan sa casa, kaso 3.5k for the whole bumper...yan estimate nila per panel kaya no choice ka kasi if ipa sprayan mo lang....di sya mag blend, unless same sila pagkuhaan ng paint...pero if wala ka pa budget...pahiran mo muna ng touch up paint na binigay satin...if meron ka..ako kasi binigyan ng isang lata....at nakatulong sa mga small scratches...

    Agree here. Not worth it kung ipapagawa mo kaagad sa casa. I-retouch mo na lang muna (and be contented with it.... )...

    5202:threadmil:



  6. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #6
    Isa pang di maiiwasan sa parking ay dahil sa pinto ng mga katabing cars.

    May nagsabi sa akin na better daw na malapit ka sa driver side mag park kaysa sa passenger side. Mga drivers daw kasi ay kadalasan concerned na di nila madamage ang katabing car. Mga pasahero daw ay kadalasan di kasing concerned. I seem to agree with this.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #7
    diba normally pag brand new cars, may touch up paint na binibigay yung casa?

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #8
    depende kung anong sasakyan.. sa avanza kasi walang touch up paint na binibigay.. CBU daw kasi ang Avanza..

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #9
    Quote Originally Posted by meledson View Post
    Isa pang di maiiwasan sa parking ay dahil sa pinto ng mga katabing cars.

    May nagsabi sa akin na better daw na malapit ka sa driver side mag park kaysa sa passenger side. Mga drivers daw kasi ay kadalasan concerned na di nila madamage ang katabing car. Mga pasahero daw ay kadalasan di kasing concerned. I seem to agree with this.
    tama! yung mga pasahero kasi walang pakelam pag nagbukas ng pinto parang kanila yung parking area.

Help: Altis natuklapan/nagasgasan sa parking