New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    754
    #1
    Good Day Fellow Tsikot Members!

    Sir/Maam, magtatanong ako about sa kadyot ng auto ko,
    Naranasan ko lang ito after ko pinatop overhaul and pinalinis ung throttle body.
    Then after nun, tinawag ko sa kanya and ang sabi lang nya, baka fuel filter lang yun,
    which i think baka nga dun, ung nakakabit pa kasing fuel filter dun ay yung oem pa na nakakabit pagkalabas ng kasa (1995) sabi nung isang pang trusted mechanic ko, so pinapalitan ko naman, may mga granules na nga nung pina-tak-tak ko, nung pinatakbo ko ulit, mas naging swabe nga ung takbo, pero still, ung kadyot ay andun pdin.

    and culprit kasi IMO is either ung fuel system or ignition system,

    so andun nadin ung auto electrician ko, pinacheck ko nadin,
    pinapalitan nya ng HTW kasi medyo palitin na daw, which is oo, palitin na talaga yung HTW,
    so pinapalitan ko ng MALLORY HTW and pinatakbo ko ulit, pero andun padin,
    pinapalitan ko na din ng spark plugs last month.

    napapansin ko din lang pala ito pag nasa bandang 2k na ung rpm ng auto,
    and laging sa 1st and 2nd gear lang nangyayari. mula 3rd - 5th swabe naman.

    before ko kasi pinabuksan sa mechanic ko yung makina, wala naman yun nuon.

    so what do you guys think sa problema ko?

    *hindi kaya mali lang ung pagkakalinis ng mechanic ko sa throttle body na may naiwan pa ata sa loob and sumingit sa singit singit? and papalinis ko nalang ulit sa mga reputable shops?
    *or dapat ko pacheck ulit yung mga spark plugs na kakapalit ko lang last month? -wala kasi ako pang tanggal
    *or meron pa dapat ako iconsider na iba na pwede magdulot nito.

    salamat po sa mga magrereply. mabuhay po kayo..

  2. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    138
    #2
    same problem with you sir... 96 GLI yung sakin.. 1st and 2nd gear * 2krpm kumadadyot then the rest ok na.. una pinalitan namen nang map censor ayaw pa din fuel filter ganun pa din then sabe nung mechanic nang dad ko na runong runongan sa may transmission daw.. di binaba transmission at madami pinalitan gumastos kme 10k para dun pero ganun pa din... tapos sabi nung isa nameng mekaniko na beterano na distributor daw problema may patay daw na kuryente kaya gumaganun.. nakalimutan ko na yung ibang explanations niya eh.. basta ang sira daw nasa distributor... na byahe ko pa nang laoag yung oto na ganun kundisyon hindi ko pa lam na un pala yung sira.. meron pa pag na reach ko yung 100kph kumakadyot din yung makina kaya hirap ako mag overtake nun.. tsaka ang lakas sa gas...

  3. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    754
    #3
    Salamat sir Twisted05 sa reply,

    Ill let my auto electrician check yung distributor,
    nung pinapalitan ko kasi ng HTW hindi ko na muna pinabuksan yung distributor, baka kasi HTW lang ang problema,
    nabanggit nga din nya na baka distributor rotor din meh prob, papabuksan ko nalang sa kanya pag nagkatime and money.

    medyo masakit nga sir yung nagastos mo for the transmission pero ang problema pala is your distributor, ang laking hinayang naman nun.

    salamat ulit sir sa tip.

    magupdate ako dito pag napatignan ko na.

  4. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    754
    #4
    Sir/Maam,

    Napa-check ko last weekend yung auto, dinala ko sa auto electrician namin, so chineck nya, palit spark plugs and nagtest kami ng bagong distributor cap, and bumili pala ako ng mas matinong ditributor rotor na suplus,
    still nandun padin yung kadyot, then inadjust nya yung timing, ng ilang beses na hanggang sa nawala,
    so okei na and i went on my way. Ang next ko itenerary that day is carwash, so i went to my suking carwash na auto shop, ang entrance nya is paakyat sa carwash area, pataas kasi daan doon, inakyat ko and guess what, ndi maka-akyat, primera ko hindi man lang magalit, kapos na kapos, so binalik ko ulit sa electrician ko, iniba yung timing and bumalik ako dun sa other shop, naka-akyat naman, pero bumalik din yung kadyot, may mechanic din kasi sila duon so pinatignan ko and inexplain ko lahat ng nagawa ko na and nangyari, tinignan nya yung timing and inadjust with the help of a timing light, lumakas nga hatak pero still andun padin kadyot,

    inexplain nya saakin na kaya hindi ko daw nararamdaman kanina ang ay sa sobrang off ng timing, walang hatak daw. (that explains kaya hindi ako maka-akyat) and at the same time walang kadyot, kasi ulit, walang hatak ang makina.

    ngayon nasa timing na, may hatak na ang auto, pero andun ang kadyot, ang sabi naman sakin ng mechanic nila doon,
    yung timing belt daw, mukang lihis ng ngipin.

    possible po ba na ito ang nagdudulot ng kadyot, maling pagkakalagay ng timing belt?

    salamat po at mabuhay po kayo.

95 GLi kadyot issue