Magandang gabi po mga masters ng tsikot.com
Una po sa lahat nagpapasalamat po ako at natulungan ako ng tsikot.com forum to decide sa first car na nabili ko which is Honda City iDsi 2008.
Sana po matulungan nyo po ulit ako.
Eto po ang aking pinagpipilian na Avanza 1.5G:
Black Avanza 1.5G Automatic
65k km
With Backing Camera
With GPS Navi and Monitor Head Unit
495,000
Gold Avanza 1.5G Manual
20k km
All Stock
475,000
Kung kayo po ang papipiliin, ano po ang mas pipiliin nyo?

Ano po ang Best Buy dito?
Tsaka po ano pa po ba ang hinahanap sa owner para po masabing naalagaan talaga yung auto bukod po sa mga to:
1. 2pcs Orig Keys and Alarms
2. Orig Owner's Manual
3. Orig Service History Book
Ano pa po kaya?
Tsaka matanong ko lang din po, kamusta po ba ang performance ng Automatic na Avanza 1.5G? Napag alaman ko po kasi na yung ibang Automatic po na small engine like ecosport ay hirap po kapag hanging? Ano po masasabi nyo sa Avanza?
Tsaka ano pa po ba maia-advice nyo sa akin bago ko i-purchase yung auto?