Mga bossing, yung 2-week old na black Toyota Corolla Altis S ko, nag-park kami sa mall, pagbalik namin me ga-singkong tuklap na pintura sa harap (sa may lagayan ng plate pero di matatakpan ng plaka, wala pa rin akong plaka) at maliliit na gasgas. Nakaka-bad trip kasi bagong-bago lang talaga, kagagaling pa ng car wash nung araw na 'yon. Dalhin ko ba 'to sa casa? May gagastusin na ba agad ako non sa casa? O ipagawa ko na sa iba?