Nasira yung alarm ng Revo namin dahil sa bahang dinulot ni Ondoy.
Ano kaya ang magandang gawin? Iparepair ang existing alarm o palitan na ng bago?
Kung papalitan,anong brand ang ok at affordable? Saang shop ok magpakabit? Syempre yung honest, matino ang gawa at di taga ang presyo.
Preferably makati or pasay area po sana.
Pasensya na kayo at ngayon lang ako nagtanong tungkol dito kasi inuna muna naming ipaayos yung mga ibang naapektuhan ng baha. Di kasi namin kayang ipaayos lahat ng sabay-sabay.