mga sir
tanong lang kung me mayroon pang mga owners na naka toyota townace 1990 diesel subic conversion...?
mga sir
tanong lang kung me mayroon pang mga owners na naka toyota townace 1990 diesel subic conversion...?
just want to share ...some problems,repairs,accessories,etc ..to my fellow townace 1990 diesel owners...![]()
bro, wag mo sana mamasamain tanong ko ha...
bakit ka bumili ng sasakyan na mukhang madami problema? Diba parang sakit sa ulo hanap mo? Btw, magkano na inabot ng repairs mo?
sir sirkosero
sir nakuha lang po namin sya ng mura,good po ang makina in running condition po sya pwera lang po yung iba...at ideal po sya sa kargahan po sa amin...tinanggal na po namin lahat ng upuan sa likod at gamet na gamet po sya sa kargahan...sa repairs naman po paunti unti po ang gastos... ...thanks din po sa inyong reply....
ah... pang kargahan naman pala mura lang nakuha... yung steering bro pacheck mo maigi... yan ang mahirap pag sira... delikado yan
sir sirkosero
tama po kayo sa steering yun po kaagad ang napaayos po namin...kase po nung nakuha po namin sya lumalagutok paglumiko at ayun sabi rin po na isang kakilala namin mechanic na delikado pagkinargahan kailangan ipaayos kaagad...salamat po ulet sa inyong reply...![]()
magkano sir lahat ng napagawa nyo? brake down? para may idea kami sa mga pinagawa at prices. meron din kase kaming Toyota Estima (subic)..
mga napagawa:
stabilizer link - 750 and isa x 2
bushings sa harap total - 1000
KYB gas shock - front - 3850
aircon cleaning / magnetic clutch lining / pulley and hub = 4000
tire rod - federal = 900
sir zecand
eto po yung list ng napagawa namin so far..
1.replace steering coupling and camber alignment plus labor --inabot po ng p4900.xx
2.electrical po nya plus parts inabot po ng p4500.xx medyo grabe po ito..mukhang dito po sumurrender yung unang me ari..nasira po kase ng pinagpagawaan nya buti nalang po nakakuha po kame ng magaling na electrician halos 80% naibalik po nya...
3. replace battery -1 unit motolite 3sm p4600.xx three months to pay pa po namin nakuha....
4. change oil,coolant,power steering fluid replacement,drained radiator,clean brakes p2735.xx
5.power window fixed left and right done by our maintenance man p500.xx only...
6. some paint job ...we just used the power of spray paint....p490.xx
thanks din po sa inyong reply...
IMO,, parang kahirap naman po i drive. kung manual japan
parang kasi ang layo ng kalabitan ng kambayo sa driver ..
sir jrn29
sir iba po talaga pagmatic nanduon po yung convenience sa pagdadrive.... tama rin po kayo pag kambyo me kalayuan pero sanayan nalang po....![]()
Sir, Meron po akong tonwace 1993 model and so far malupit pa rin ang performance ng engine at masarap i-drive. A/T at all power na. Problema ko lang ngayon may oil leak at sa intake manifold gasket galing ang leak, ang daming tatangalin para mapalitan ang gasket naghahanap pa lang ako ng mhusay na talyer na kabisado ang 2C Turbo engie. Sa ngayon, humahataw pa ng 120-140kph, sarap gamitin. please advise good auto shop near in paranaque o muntilupa. thanks in advance!