New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 38

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #1
    plan ko kasi sa 10k PMS ko is any of these 3 casas na lang ipa check innova ko. (probably 3 months from now) sa toyota cubao kasi binili car ko. nung 5k PMS ko kasi iniwan ko ng overnight innova ko sa toyota cubao due to failed installation of the new rear shock absorber (wala kasing stock na parts, inorder pa daw sa planta, kainis.) and nagpa rustproof ako ulit dahil ang nipis ng pagka rustproof sa unit ko nung na release nung brand new.

    tapos nung ni release sa service, di manlang nilinis ung loob at nagkadumi pa sa may upholstery ng door, eh beige pa naman color ng interior ng innova G, kitang kita na may dumi. ako pa naglinis. since sister ng toyota cubao ang toyota marikina at mas malapit naman ako sa toyota pasig and shaw, ok ba sevice dito? taga angono rizal po kasi ako. pls reply po sa may mga experience sa mga casa na to.

    TIA.

  2. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    304
    #2
    Ako sa toyota pasig nagpapaservice. Si Andrew Fernandez SA ko. Ok naman service nila kaya lang bawal pumunta sa service bay pero pwede mo request sa SA na tignan mo unit or kausapin yung mechanic pero d pwede matagal.

  3. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #3
    Quote Originally Posted by marz View Post
    Ako sa toyota pasig nagpapaservice. Si Andrew Fernandez SA ko. Ok naman service nila kaya lang bawal pumunta sa service bay pero pwede mo request sa SA na tignan mo unit or kausapin yung mechanic pero d pwede matagal.
    me nakausap na din akong SA dun sa pasig sir, hehe. kaya feeling ko mas ok magpa service dun, hehe. kaya lang meron privilage card sa toyota cubao na me 10% discount sa parts na pwedeng gamitin sa toyota marikina kaya ask ko kung ok din ba dun, hehe. parang sa pasig ko na nga lang din gusto kasi mas ok dun, mas malapit pa samin, 22kms lau samin ng toyota cubao, 14kms lang sa pasig. magkanu po kaya 10k pms ng D4D sa pasig?

  4. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    69
    #4
    last month nagpa 15k pms sa tyt cubao, may pinagalitan ako na SA na di marunong, forgot his name, ma void daw ang warranty ng unit ko kung magdala ng oil galing sa labas, eh tyt genuine fully synthetic ang dala ko, nung tinawag ko sa tyt marikina yung pinagsasabi ni SA, ayun sinabon at biglang bumait! medyo payat sya na may kataasan, kung nasa harap ka ng mga SA, 2nd sya mula sa kaliwa, para may idea ka na Sir Ericson kung sa tyt cubao ka pa-pms. pero sa tyt pasig ka na lang, tama si Sir Mars, ok ang tyt pasig, si SA andrew din ang kausap ko sa kanila.. patanggal mo lang mga additives para di ka mapamahal. safe drive sir!

  5. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    304
    #5
    Pwede ka rin magdala ng sarili mo oil. Ako mula 1k PMS gang nung last PMS ko nagdadala na ko oil, Royal Purple 10w 30, oil filter na lang sa casa. Sa Toyota Marikina naginquire ako dati sabi bawal daw magdala oil kelengan daw sa kanila para d mavoid warranty.

  6. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    242
    #6
    Mas malapit ako sa Marikina kaya dun ako nagpapa-service. Kung di lang malayo dun ako sa Pasig lagi magpapa-service. Mas mabilis sila magbigay ng feedback sa client at mas mabilis ang service. Siguro dahil mas malaki ang facility nila dun.

  7. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #7
    Toyota Cubao? .. sus maria .. napaka-walang kwentang dealer yan. Don't ask me how I know!

  8. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #8
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    Toyota Cubao? .. sus maria .. napaka-walang kwentang dealer yan. Don't ask me how I know!
    sir panung naging walang kwenta? anu po experience nyo dun? share nyo naman po.

  9. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    304
    #9
    Quote Originally Posted by samcoy View Post
    Mas malapit ako sa Marikina kaya dun ako nagpapa-service. Kung di lang malayo dun ako sa Pasig lagi magpapa-service. Mas mabilis sila magbigay ng feedback sa client at mas mabilis ang service. Siguro dahil mas malaki ang facility nila dun.
    Ako din malapit sa toyota marikina pero sa toyota pasig ako nagpapaservice.

  10. Join Date
    Nov 2024
    Posts
    1
    #10
    Quote Originally Posted by samcoy View Post
    Mas malapit ako sa Marikina kaya dun ako nagpapa-service. Kung di lang malayo dun ako sa Pasig lagi magpapa-service. Mas mabilis sila magbigay ng feedback sa client at mas mabilis ang service. Siguro dahil mas malaki ang facility nila dun.
    Kamusta naman ang quality sa Toyota Marikina? Planning sana kong magpa PMS for 30k km.

  11. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,627
    #11
    re. pms,
    i follow the owner's manual's printed schedule, and decline the rest with "next time na lang po. wala sa budget, eh".
    be aware of what're necessary, what're nice to have, and what're utterly useless.
    requirement. beauty marks. gastos lang nang walang pakinabang.
    good luck.

    heh heh.

  12. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #12
    Quote Originally Posted by ruelito View Post
    last month nagpa 15k pms sa tyt cubao, may pinagalitan ako na SA na di marunong, forgot his name, ma void daw ang warranty ng unit ko kung magdala ng oil galing sa labas, eh tyt genuine fully synthetic ang dala ko, nung tinawag ko sa tyt marikina yung pinagsasabi ni SA, ayun sinabon at biglang bumait! medyo payat sya na may kataasan, kung nasa harap ka ng mga SA, 2nd sya mula sa kaliwa, para may idea ka na Sir Ericson kung sa tyt cubao ka pa-pms. pero sa tyt pasig ka na lang, tama si Sir Mars, ok ang tyt pasig, si SA andrew din ang kausap ko sa kanila.. patanggal mo lang mga additives para di ka mapamahal. safe drive sir!
    ah un yung glenn sir. matangkad na moreno ung SA na un diba? loko un eh, nung 1k PMS ko sya ang SA, pinipilit ako mag fully synthetic tapos 6800 daw un. sabi ko ayoko, tapos pilit pa din. tapos sinigawan ko sya dun habang kausap ko kasi pilit sya ng pilit, sabi ko

    "KOTSE MO BA? KUNG KOTSE MO YAN I FULLY SYNTHETIC MO, KASO SAKIN EH. KAYA SUNDIN MO KUNG ANU SASABIHIN KO, SABI KO AYOKO, UNG MINERAL OIL ILAGAY MO WITH NO ADDITIVES, PAG MERON YAN ADDITVES PAG BIGAY MO SAKIN NG RESIBO MAMAYA, SORRY PERO HINDI KO BABAYARAN."

    bakit sa toyota marikina mo sinumbong sir? hehe. pero sister toyota yung marikina at cubao diba. ayoko na pa service dun sa cubao eh, panget. buti nung iniwan ko sa casa, di ginalaw. di nagbago ODO reading eh pati ung krudo ganun pa din sa gauge.

    me nakausap na din ako sa pasig sir, kaya lang nakalimutan ko pangalan. dun sya nakaupo sa may salamin, 2nd from the left. yun din po ba ung kausap nyo? thanks sir ruelito and marz for the feed back.

    drive safely. :D

  13. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    851
    #13
    for me ok naman service/PMS ng toyota marikina... 2 auto namin dun pinapaservice... open ang service bay so pwede lumapit sa auto mo and kausapin ang mechanic from start to finish. wala naman ako naging hassle dun so far. tapos kapag may mga recommendations like replace certain underchassis parts, bili ako orig parts then pakabit ko na lang sa labas/ suki kong mekaniko.

    ganun sistema ko sa mga auto namin. PMS sa casa (given na ok yung casa) then recommendations sa labas.

  14. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    7
    #14
    mga sir tanong lang po, ok po ba service ng toyota balintawak, malapit na kasi mag 1,000km yung vios ko, matanong na din sa inyo kung magkano kaya aabutin ang bill ko kung sakali, pasensya na po first car ko kasi and i'm newbie here. thanks.

  15. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #15
    Quote Originally Posted by S.Raullo View Post
    mga sir tanong lang po, ok po ba service ng toyota balintawak, malapit na kasi mag 1,000km yung vios ko, matanong na din sa inyo kung magkano kaya aabutin ang bill ko kung sakali, pasensya na po first car ko kasi and i'm newbie here. thanks.
    di pa po ako nakakapag pa service sa toyota balintawak sir, malayo area ko dyan, hehe. pero kung sa service, siguro 2k, di tataas ng 2.5k dapat. gas yan eh. better pa compute nyo po muna sa service advisor lahat before ipa service.

  16. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #16
    Quote Originally Posted by junerski View Post
    for me ok naman service/PMS ng toyota marikina... 2 auto namin dun pinapaservice... open ang service bay so pwede lumapit sa auto mo and kausapin ang mechanic from start to finish. wala naman ako naging hassle dun so far. tapos kapag may mga recommendations like replace certain underchassis parts, bili ako orig parts then pakabit ko na lang sa labas/ suki kong mekaniko.

    ganun sistema ko sa mga auto namin. PMS sa casa (given na ok yung casa) then recommendations sa labas.
    ah, pwede po lapitan sa toyota marikina pag ipa service?

  17. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    851
    #17
    Quote Originally Posted by ericson21 View Post
    ah, pwede po lapitan sa toyota marikina pag ipa service?
    pwedeng pwede... from start to finish pwede nandun ka sa service bay... parang servitek style kasi lay-out ng service bay area sa toyota marikina, hindi yung typical na nakakulong

  18. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    150
    #18
    Quote Originally Posted by ericson21 View Post
    ah, pwede po lapitan sa toyota marikina pag ipa service?
    Open ang toyota marikina kapag nagpa-service ka don, sila pa mag-sasabi sa 'yo na puwede mong tingnan yung unit mo while under service kasi nasa harap lang naman yung garahe nila e! kaya masilip mo. kung check up lang, dyan sa marikina, pero kung repair na, dito na nila pinadadala sa cubao. Gusto ko rin sanang i-try dito sa balintawak or north edsa kasi iisa may-ari nyan, kaso hindi ko alam kung paano serbisyo nila, mas sanay ako sa marikina kasi don ko kinuha unit ko.

  19. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    69
    #19
    Quote Originally Posted by ericson21 View Post
    ah un yung glenn sir. matangkad na moreno ung SA na un diba? loko un eh, nung 1k PMS ko sya ang SA, pinipilit ako mag fully synthetic tapos 6800 daw un. sabi ko ayoko, tapos pilit pa din. tapos sinigawan ko sya dun habang kausap ko kasi pilit sya ng pilit, sabi ko

    "KOTSE MO BA? KUNG KOTSE MO YAN I FULLY SYNTHETIC MO, KASO SAKIN EH. KAYA SUNDIN MO KUNG ANU SASABIHIN KO, SABI KO AYOKO, UNG MINERAL OIL ILAGAY MO WITH NO ADDITIVES, PAG MERON YAN ADDITVES PAG BIGAY MO SAKIN NG RESIBO MAMAYA, SORRY PERO HINDI KO BABAYARAN."

    bakit sa toyota marikina mo sinumbong sir? hehe. pero sister toyota yung marikina at cubao diba. ayoko na pa service dun sa cubao eh, panget. buti nung iniwan ko sa casa, di ginalaw. di nagbago ODO reading eh pati ung krudo ganun pa din sa gauge.

    me nakausap na din ako sa pasig sir, kaya lang nakalimutan ko pangalan. dun sya nakaupo sa may salamin, 2nd from the left. yun din po ba ung kausap nyo? thanks sir ruelito and marz for the feed back.

    drive safely. :D
    Yes Sir Ericson, Glenn nga name nya.. Sa mga kaibigan natin dito na magpa PMS sa TYT Cubao, paki tandaan po, MR. GLENN - SERVICE ADVISOR OF TOYOTA CUBAO! Ipipilit ang gusto nya para makasingil ng malaki sa costumer!

    Yung kumpare ko kasi sa TYT marikina na Sales Agent, kung may problema daw itawag ko lang sa kanya, ayun binalikan nya si Glenn at sinabon, kung di daw sya umayos, makakarating sa main office reklamo ng costumer sa kanya.

    Sa TYT pasig, magagalang mga Service Advisor duon, satisfied mga owner/driver na mga nakakausap ko duon habang naghihintay PMS ng unit ko, si Mr. Andrew SA ko po duon.

  20. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #20

    ah sabi ko na nga ba sir eh, ung GLENN nga yun, hehe. nananaga daw un sabi nung isang Service Advisor na kinausap ko, sa kanya ko pinaubaya innova ko nun sir, talagang mapilit daw ng GLENN na yun. tama kayo sir, talagang gusto malaki masingil.

    ah buti sir meron kayo pang back up dun, nasabon ung glenn, haha.

    itatawag ko po muna sa toyota pasig pag pa service ako sir. anu po ba pinapa service nyo dun? VVT-i or D4D? mga magkanu po kaya pa PMS ng 10k kms for D4D? baka po alam nyo, kasi po me nakausap ako sa pasig, 4k daw po. eh gusto ko po sana malaman kung mahal ba un o hindi.

    thanks sir. :D

Page 1 of 2 12 LastLast
ok bang casa ang toyota marikina, toyota pasig and toyota shaw?