mga master, tanong lang po... may tumutunog po sa front right ng car ko everytime na bumibyahe ako. parang "togotogotog" ang tunog pag dumadaan ka sa bumpy highway. pero di naman ganun kalakas ang tunog. pero pag sa mga humps eh dun mejo lumalakas yung tunog, isang "TUG" na yung tunog. nung pinachek ko sa mekaniko eh may leak na daw yung shock absorber ko. at nakita ko namang may leak na talaga sya.
tanong ko po eh gaano po ba kadelikado ibyahe ang kotse na may deperensya ang shock absorber?? tsaka may kuneksyon po ba ito sa gulong, especially sa kaen nito?? pag nasira po ba yung isang absorber at pag papalitan na eh kelangan ba dapat 2 ang papalitan o yung mismong may defect lang?? kase yun daw po yung sabi sa kin ni manong kalikot. tsaka gaano po ba katagal gawin yung pagreplace ng absorber?? pasensya na po kung madaming tanong.. nagseservis po kase ako on-field, at lage pa malayo ang byahe ko. kahit sa weekends eh pumapasok ako (except pag fridays). mahirap na rin kase eh, lalo pa't everyday driving ako sa highway, saudi po kase ang location ko. eniwei, salamat in advance sa mga inputs nyo po
btw, my car's chevy aveo 2009...





Reply With Quote
