
Originally Posted by
freemansj
I can attest to this. Was there last week kasi may maingay sa kotse ko.
At first, sa Rapide ko dinala. Sabi nila doon, kailangan ko daw palitan ang:
1. 2 shocks sa harap
2. tire end rods
3. rack end
4. shock mounting
Total estimated cost: P25,500
Namahalan ako so I said to myself, "Bibili na lang ako ng parts sa Banawe tapos ipapakabit ko sa Zafra na lang." So, I went to Zafra paglabas ko ng office. I thought mas maganda mapatignan ko muna sa ibang mekaniko bago ako bumili ng parts na kailangan. Ayun, may tao na sumalubong sa akin na naka-cap. Ni-test drive nya yung kotse ko at nadinig nya yung maingay. He said, "Shock mounting lang yan..."
In the end, pinapalitan ko sa kanila ang shock mounting. Ayun, solved ang problema! At ang taong naka-cap, nalaman ko na lang eventually, ay si sir Tommy. Ang galing. Ang laki ng natipid ko.