
Originally Posted by
CRV280
Konting info lang from experience,
Nagpalit ako recently ng mga dampers ko for crv 2002 model, sabi ng mga shop wala daw kayaba na available para sa modelo ng auto ko, so I had to settle for another brand. Gustuhin ko man bumili ng original e sobrang mahal, 7500 yung sa harap per piece at 5500 yung sa likod. So sinubukan ko nalang yung inalok nilang brand, Ginza sa harap. Kaso out of stock yung pang likod, kaya ang binigay sakin e Paraut na brand. Sinubukan ko na rin since no choice, kulang ang budget ko.
Yung Ginza na brand, parang sister company ng Monroe. Yung Paraut naman, parang gumagawa ata ng mga OEM parts for Subaru. Yung GInza na nabili ko ay ok naman so far, pero syempre iba parin ang ride ng original. Parang pakiramdam ko di tatagal tong Ginza ng more than one year. Pero yung Paraut, NIGHTMARE! After 2 weeks palang, may langitngit na. And worse, ayaw pa palitan nung shop na pinagbilhan ko, kasi daw ganun talaga ang replacement part. Mga ulol talaga, san kayo nakakita ng damper na walang isang buwan e maingay na? Dapat daw one week palang binalik ko na. Anyway, para wag na kayo mabiktima tulad ko, Please DO NOT BUY FROM NISPARTS banawe, yung nasa kanto ng quezon ave at banawe, katabi ng union bank. Sobrang poor customer service. Nagbebenta sila ng nissan and honda parts.
My suggestion: mag KYB nalang kayo or some other brand na kilala, and make sure may warranty sila. Wag nyo na tipirin dahil sasakit lang ulo nyo gaya ko. AND AGAIN, DO NOT BUY FROM SHOPS LIKE NISPARTS NA WALANG WARRANTY kahit na obvious naman na defective ang binigay nilang part.