Last year, i've noticed na may butas ang cv boot sa left side ng corolla ko. Hinayaan ko lang hanggang sa may kaunting ingay na ang cv joint .. After mga ilang months, napansin ko humina ang hatak ng kotse .. especially yung torque nya kung galing stop, may delay .. atsaka kung 3rd gear at biglang revolution to 4th gear, hindi diretso ang acceleration, may delay ..
sabi ng mga mekaniko at sa mga nabasa ko sa internet ay symptoms daw iyun ng clutch slipping .. dahil sa kulang pa sa budget ng replacement parts and repair, hinayaan ko lang muna hanggang sa last month na sobrang ingay na ng cv joint pang hard turn ..
Kaya pinalitan ko ang dalawang cv joint tapos balak ko palitan ang clutch disc, etc next month .. pero ngayon na pansin ko na bumalik na sa normal ang hatak ng kotse .. from dead stop, to 1st gear, 2nd gear, 3rd gear randam na randam ko na ang torque nya ..
Nagtaka ako kung kailangan ba talagang palitan ang clutch assembly ko ??? CV joint ba dahilan ng pagkawala ng torque and medyo humina and acceleration ng kotse ko ?? magka slippage or delay acceleration ba ang busted cv joint, akala ko kasi ang clutch lang ang dahilan sa delay acceleration ???