Mga sir,
baka may idea kau kung anu una ko papatingin sa mekaniko. Ang kotse ay GLI 97. May naririnig akong tunog pag nag-slow slow down. parang sumasabay sa gulong. Kung i-dedescribe ko siya parang elisi ng electrifan na mangingay. pag full-stop ay nawawala din. pero di naman sira parati.
Nung una ang akala ko ay gastado na mga gulong sa harap, kaya bago un mga gulong. so iniisip ko ngaun ay baka alignment. Pero din naman sumasayaw ang kotse pag binitawan ang manibela.
Meron ako isang kia pride na nagkaganun rin, nagawa lang un tunog nung pinpalalitan ko un mga pang-ilalim (bearing, brake drum, etc).. hehehehe, medyo magastos kung gagawin ko un sa corolla, so baka pwede one by one muna palit at baka matsambahan sa first try. Though mas makakamura sa labor kung isang palitan na lang lahat. Oo nga pala kakababa lang ng mga gulong about 1 mo ago.. la naman mga nakitatang tama.
Thanks in advance sa lahat.


Reply With Quote
