Mga bossing good day sa inyong lahat,

newbie here, ang kotse ko po ay Nissan Sentra(sunny) 1994, front wheel drive, i believe 3rd hand owner na ako.

this last monday, habang dadaan ako sa humps, without knowing na may bato pala sa pinaka-gilid ng humps, eh tumama yung kanang gulong ko sa bato,. yung laki ng bato approximately kasing laki lang ng isang nakahigang hollow block.

ngayon, everytime na liliko ako sa mabagal na arangkada (full turn) lumalagutok na yung right front wheel.

pero kapag ang takbo ko is 10-30 kp/h kahit lumiliko is wala naman lagutok, kapag liliko ka lang ng mabagal, lets say lalabas ka lang ng garahe by full turn, tsaka lang sya lalagutok.

ano kaya sa palagay nyo ang nasira at tinamaan?

nga pala malapit ako sa Antipolo City, may mai-recommend ba kayo shop duon? i hear RVC sa may Cainta, ok ba duon?

salamat sa mga magrereply.