Help fellow tsikoteers regarding front kalampag sa under chassis ng sentra lec ko, pag nadaan sa small potholes ng mabilis ng konti (mga 10kph) kumakalampag na, kahit left o right tire ang pumunta sa pothole, medyo ramdam sa manibela Pinatingnan ko na sa underchassis mechanic, OK pa naman daw yung balljoint, tie rod, rack & pinion at kapapalit lang ng dalawang suspension bushing sa harap. Ang sabi eh yung gas shock absorber ko daw ang problema, kaya daw makaldag ang ride at may kalampag ung ilalim na ramdam sa manibela. Totoo ba to, kasi wala naman tagas ng oil yung shocks ko at when pushed down, it bounces only once & ok na. By the way bagong repair ung rack & pinion ko (pinalitan ng bushing a month ago pa lng, manual steering), Major part kasi ung gustong palitan ng mechanic kaya inquire muna ko sa inyo kung posible ung pinagsasabi nila. Ano pa ba iba symptoms ng defective gas shock absorber? At ano ang usually nasisira para kumalampag ang harap ng sentra lec.
Thanks for the immediate reply/posting. Forgot to mention, dalawa na yung shop na nag check up, pareho sila nang sabi na shock ko may diperensya pero yung una kong napatanungan gusto palitan yung stabilizer link ko at shock, yung isa naman shock lang daw at buo pa daw ung mounting ng shock ko. Visually ba makikita kung sira yung shock mounting sa ibabaw. Pwede ba temporary alisin ung linkage ng stabilizer bar para malaman ko kung yon nga ang kumakalampag? By the way hindi ko pa nadala sa zee/cruven car ko. Sa kung anong shop lang na madaanan ko napatignan.
Take the car to Zee or Cruven, mas kilala kasi sila pagdating sa suspension. Then isama mo isa sa mekaniko nila sa test drive. Mabuti na madinig nila mismo ang kalampag at kung ano speed at orientation ng gulong para mapinpoint ang sira. Ganun ang ginawa ko nung may lumalagutok sa harap ng Civic ko dati. Pero that time dinala ko sa Sprint sa Banawe area. Nag test drive kami, ayun alam nya kaagad na sa stabilizer linkage. Nung pinalitan, nawala na ang tunog.
Pagdating sa shock mountings, I think visually pwede makita kung punit na sya pero kelangan ata alisin ang shocks sa kotse. Yung linkage naman, I don't think na pwede alisin yun tapos itakbo ang kotse, delikado.
Buti pa nga dalin ko sa cruven para ma check ng maayos, nakakairita kasi yung kalampag. Update ko itong thread kung maayos nila yung sentra ko, para malaman din nang ibang tsikoteers kung ok gumawa ang cruven, siguro sa mindanao avenue. Alam ko kasi yon ang pinakamalapit na branch nila sa amin sa malabon. Thanks