
Originally Posted by
phezthie
ganito nlang po para mas madali pag diagnose (pardon sa description ng sound)
pag continuous ang tok sound (tok tok tok....) at lumalabas lang pag you are turning your wheel specially sa extreme ends... cv joint and posibleng sira
pag yung tok sound (one or two) lumalabas pag nalubak, sa hump lalo na hindi pantay yung pasok ng tire sa hump, or sa kalsada na hindi even, marami pwede panggalingan... ball joints, tie rod, rack end at yun nga, yung P/S bushings.
inuuna ko tingnan yung P/S bushings kasi mas madali ma detect yon para sakin..to determine naman yung mga joints, you need na itaas both tires and kakalogin mo yung isang tire up and down, left and right while yung other tire ay pigil ng kasama mo. pag me alog sa up and down, ball joint... pag sa left and right, rack end o tie rod end...
in some occasions, pwede naman na yung power steering adjustment ang may problem.. masyado maluwag yung tension nung half-moon.. yun yung inaadjust pag gusto mo malambot yung steering.. pag sobra luwag, ang result non parang meron ka ring sirang mga joints... madali naman ma detect kung maluwag, kumakatok pag nilalaro mo yung wheel habang naka park at patay yung engine. malaki kasi ang clearance ipin ng P/S rod kaya me play which produces sound.
pag screeching sound naman (parang nag ga grind na masakit sa ipin hehehe) mas malamang na ball joint dahil sobra na alog at wala na yung plastic sa loob so bakal sa bakal na.