da who.. hmmm.. beterano galing pambansang unibersidad.. hmmm

HUMIHIRIT NG MALAKI | Philippine Basketball Association

Isang beteranong player ang tila nagiging sakit ng ulo ng kanyang team ngayon.

Nagpaparinig kasi ang naturang cager ng malaking paycheck gayung alam naman ng lahat na hindi na ganun kakinang ang kanyang pangalan at lalong wala na halos asim ang kanyang laro.

Sinasabing galing 175 thousand pesos a month na paycheck ang manlalaro, bagay na alam ng kanyang bagong koponan na nag-aalok naman ng mas malaki pang 200 thousand pesos.

Pero sa ipinagtataka ng management ng bago niyang team, nagpaparinig di umano ng 500 thousand pesos a month na sweldo ang player. Higit pang malaki sa maximum allowable na 420,000.

Sa ngayon ay nakabinbin pa umano ang negosasyon ng dalawa kampo dahil humihirit pa ng 300 thousand pesos na sweldo kada buwan ang nasabing manlalaro na galing sa pambansang unibersidad.

Nagsabi na ang pamunuan ng team na sakaling magpatuloy na magmatigas ang player ay hindi sila nangingiming abandonahin ang pakikipagusap dito, lalo’t marami-raming big men na nakuha sa nakalipas na Draft ang koponan.