New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 22

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    464
    #1
    Magandang umaga po! Question lang lalo na sa naka-experience and sa mga doctors... Magkano po ba usually ang magagastos pag manganganak? Hospital bills, PF ng doctor, etc. Ballpark figure lang po. Thanks in Advance! :D

  2. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #2
    don't ask the doctors, ask the husbands hehehe

    seriously, ang gastos sa pangangank ay depende sa ospital. nung ipinanganak pangangay ko 5 mos ago, more or less 17K lang nagastos namin. kasama na yung philhealth. definitely mura yun kasi sa isang university hospital lang ng govt dito sa probinsiya. kung sa private hospital jan sa manila, the amount may double, triple, etc. depende nga sa ospital. kung tipong medical city or asian hospital, walang patutunguhan ang 20K hehehe.

    my advice is ask around sa friends and relatives. piliin mo yung ospital kung saan alam mong maalagaan ng husto yung mag ina mo. syempre mas ok yung may discount. gud luck!

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #3
    Quote Originally Posted by knicks1204 View Post
    Magandang umaga po! Question lang lalo na sa naka-experience and sa mga doctors... Magkano po ba usually ang magagastos pag manganganak? Hospital bills, PF ng doctor, etc. Ballpark figure lang po. Thanks in Advance! :D
    mas mahal pa pag ceasarian.

  4. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    699
    #4
    anywhere from 20K to 250K depending on:

    1. normal delivery or cesarean
    2. your doctor
    3. the hospital
    4. room ng hospital (suite, private, semi-private, ward)
    5. length of labor room stay
    6. need for neonatal intensive care use
    7. any possible problems with the baby
    8. condition ni misis
    9. any other problems ni misis (hypertensive, diabetic, pre-eclamptic, etc)
    10. multiple gestations (twins, triplets, etc)

    it could even run to more than a million kung may kaakibat na problema si baby (prematurity, neonatal sepsis, prolonged neonatal intensive care treatment)

    i have to say na when all else is held equal, ang mataas na hospital bill ay kung halimbawang nag-labor ng matagal si misis and after a considerable amount of time (say 2 to 3 days) ay kinailangan ang emergency cesarean section. minsan, ang hindi alam ng relatives ng patient na talagang malabo na manganak ng normal si misis at kailangan na talaga mag-cesarean, tapos hindi pa maka-decide ang mga relatives kahit sinabihan na ng OB na kailangan na talaga gawin ang cesarean. ang indecision na ito ng relatives sometimes takes 2 to 3 hours and lalong tumatagal ang stay sa labor room ng patient kaya lalong tataas ang hospital bill. please note that the labor room is an intensive care area kaya kadalasan ay per hour ang bayad.

    may alam akong case na kailangan na talagang i-cesarean pero ayaw pumayag ng mother-in-law ng pasyente. kaya tumagal lalo sa labor room. medyo hindi na maganda ang lagay ng baby. paglabas tuloy ng baby, ang daming kinailangang gamot ni baby. lalong nagmahal ang bill (longer labor room stay) plus more meds for the baby that might have been avoided if a c-section was done earlier. not to mention the long term sequela of the bad condition of the baby upon delivery.

  5. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    464
    #5
    whoa! that's a lot to think about... actually po, best friend ko yung buntis. She didn't want to tell the father about her condition kasi di naman planned yung nangyari... and di maganda yung nangyari... heheh... I'm trying to help her out kaya po ngayon pa lang, pinaghahandaan na namin yung mga gagastusin...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #6
    so pwede ko ba i-assume na single ang best friend mo at tinatago nya sa parents nya ang pregnancy nya?

    madami kayo dapat na isipin maliban sa gastos sa panganganak. yung gastos, punta ka sa fabella mura lang dun, baka di ka pa abutin ng 5k. ang importante dyan e yung mga pre-natal check-ups nya, dapat magpatingin sya para di naman ma-surprise ang doctor sa araw ng delivery. mamya pala e twins yan e lumabas na ang isa at di alam na meron pang isa, o mataas ang blood pressure ng friend mo na pwede nya ikamatay. at ang never to forget na gagawin, ang ipa-screening ang baby. madami nang sakit ng baby ang pwede maiwasan pag nakita sa screening agad. isa na dyan ay ang mental retardation. pag nakita agad sa screening na susceptible ang baby dito ay nabibigyan ng preventative medication para naiiwasan ito at lumaki ng normal ang baby. tandaan nyo, pre-natal check-ups at screening ng baby. mura lang naman yan.

    di ba talaga pwede na malaman ng parents nya? alalahanin mo na kung magkaron ng complications ang childbirth, ikaw na friend lang nya ay hindi pwede mag-pirma ng legal papers para magawa ng doctor ang dapat gawin. gaya halimbawa kung dinugo ang nanay (placenta fibia), at kelangan ng doctor na operahin siya para maibsan ang bleeding. immediate relatives lang ang pwedeng magbigay ng consent sa doctor at hospital. dapat kahit man lang kapatid nya andun. di rin pwede ang ama ng bata kung hindi sila kasal kasi hindi pa naman siya considered na legal relation ng manganganak. isa pang advantage na andun ang kanyang pamilya ay ang dugo. kung kelangan nya ng blood transfusion ay malaki ang possibility na pareho sila ng blood type at Rh. mahirap maghanap ng blood, lalo na pag nasa government hospital ka. minsan nanganak ang friend ko at nag-placenta fibia, nasuyod namin ng kumpare ko ang buong metro manila para makahanap ng 6 units ng blood. at mas mainam na mag-bank ng blood ang relatives nya (and friends, sali ka di ba) sa hospital din na yun 2 weeks before the expected delivery kung meron makitang possible na complications sa pre-natal.

    kung best friend ka nya talaga, pilitin mo siya na ipaalam sa parents nya. walang ibang dapat kaakibat nya ngayon kundi ang parents nya. anak siya nila, apo nila ang baby. wala man ang tatay ng bata, andyan naman ang mga magulang ng ina. makakaraos din yan. panay ang galit sa una, panay ang sermon, pero sa huli magiiyakan din yan at lulukso ang dugo.

  7. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    464
    #7
    sir yebo: every month po kami nagpapa-check-up and nagpapa-ultrasound... so far, wala naman po problema ang baby. Alam na po ng mga kapatid and relatives nya (and sa awa ng Diyos, supportive naman...) pero ayaw pa namin sabihin sa mama nya kasi nagta-trabaho sa ibang bansa and madaming iniisip na ibang problema... financially, di sya kaya matulungan ng relatives nya kaya inako ko na yung responsibility na yun para di na nila masyado problemahin. Sa Mary Chiles po kami nagpapa-check-up ngayon dahil andun po yung OB na ni-recommend sa amin.

    Enebeyen... pasensya po ha... naging helpline ng di oras ang tsikot... salamat po sa tulong nyo! :D

Question po... lalo na sa mga doctors...