NAGBABALA ang Department of Health (DoH) sa mga contact lens users sa maling paggamit at pangangalaga sa pagsuot nito dahil sa posibleng makakuha ng impeksyon na magresulta sa pagkabulag ng mata.
Ang babala ay inilabas ni DoH Secretary Francisco Duque III, matapos ang dumaraming ulat ng pagkakaroon ng fungal keratitis sa mga gumagamit ng soft contact lens.
Ang fungal keratitis ay isang uri ng impeksyon sa mata sa mga taong nagsusuot ng soft contact lens na maaaring magresulta sa pagkabulag o pagkawala ng infected eye.
Kabilang sa mga sintomas nito ay pamumula ng mata, eye pain, blurry vision, eye discharge at sensitivity sa ilaw.
Upang maiwasan ang impeksyon dapat na maghugas muna ng kamay sa pamamagitan ng sabon at tubig at patuyuin ito bago hawakan ang contact lenses. Nararapat din umano na palaging malinis ang lenses at palitan kada buwan upang maiwasan din ang impeksyon.
Inirekomenda rin ni Duque sa mga gumagamit nito na linisin at itago ang mga lenses ayon sa mga prescription ng mga eye-care practitioners at solution manufacturers. Mahigpit na ipinagbabawal ang paghihiram ng contact lens at solutions.
Bagama't ayon kay Duque ang ulat ng fungal keratitis sa mga soft contact lens users ay bunsod sa paggamit ng RenuMoisture LOC Lens Cleaner, isang produkto na hindi pa commercially available sa Pilipinas. Posible umano ayon sa DoH na ilan sa mga traveler ang nagdala nito sa bansa.
Nabatid na ang RenuMoisture Loc Lens cleaner ay gawa ng Bausch and Lomb, na distributor ng multi-purpose solutions sa bansa.
Boluntaryo nang sinuspendi ng nasa-bing kumpanya ang kanilang shipment dahil nasangkot ang lens cleaner sa Singapore at Hongkong noong Pebrero nga-yong taon sa ulat ng fungal keratitis infections na nagkaroon ang US noon pang Hunyo ng nakaraang taon.
Hinikayat naman ni Duque ang mga eye care practitioners na i-report sa DoH-National Epidemiology Center ang mga soft contact lens users na may sintomas ng fungal keratitis.





