Matutuloy na ang paglalaro ng dating National Basketball Association star na si Dennis Rodman sa bansa.
Kasalukuyan nang isinasaayos ng PBA ang pagbisita ni Rodman at iba pang NBA Legends para sa two-game exhibition game kung saan posibleng isabak ang National team o bumuo ng dalawang PBA Selection.
Bukod kay Rodman, nagkumpirma na ng partisipasyon sina Alex English, Sydney Moncrief, Darryl Dawkins, Otis Birdsong, Kevin Willis at Calvin Murphy.
Ayon kay PBA Commissioner Noli Eala, ang exhibition game ay magiging bahagi ng PBA All-Star festivities.
Sasamahan ang mga NBA Legends ng collegiate players para kumatawan ng Harbour Centre. Posible ring makasama ang ilang players ng Port Masters sa PBL para punuin ang line-up ng mga bisitang manlalaro.
Posibleng ganapin ang mga laro sa Abril 27 at 28 o kaya sa May 1 sa Araneta Coliseum.
Pinagdedesisyunan pa ng PBA kung alin sa Cagayan De Oro, Iloilo City, Bacolod City o Palawan ang magiging host ng All-Star Week.
Aktibo pa sa paglalaro si Rodman na huling nasilayan sa British League.
Calvin Murphy?.........Matanda pa ata kay Jawo ito, di ba?
Dawkins......nakilala itong sumira ng board minsan mag-dunk siya. Alam ko tumaba na ito eh. Involved siya sa Valleydawgs (tama ba?), kung saan naglaro sina Hizon at Alvarez.
Kevin Willis, Alex English.....oo, magagaling ang mga ito nung kapanahunan nila.
Kung sila nga maglalaro, palagay ko may mga "reinforcements" sila na mga mas bata kaysa sa kanila. May mga edad mga ito. Baka di na makasabay sa PBA All Stars natin.
Pero tingnan ko si Rodman......ilalaban ko yung tatoo niya kay Ali Peek.
By the looks of it, Rodman detests his dad very much. The dad is said to a philander who left Rodman's family (wife/mom, sister(s)?, and Dennis) when Dennis was still very young. I think the dad never supported them ever and the mom had to work like hell to put up the kids. When Dennis made it "big", he readily gifted his mom with a Mercedes Benz SL. The dad has been trying to contact Dennis, since he (dennis) started to soar into fame.
fave ko din ito lalo na pag nag tatampo sa coach ng Spurs ..nakaupo sa floor tapos nakahubad ang sapatos..hehehe
at iyo pinamimigay ang bulls jersey niya after ng game
dami talaga gimik ni Worm
PS ..iyon hair color changing nya nga pa pala every game