[SIZE=2]Iniimbestigahan na ng Bureau of Customs ang akusasyong kulang ang buwis na binayaran ni People's Champ Manny Pacquiao sa binili niyang Porsche Cayenne-S sa Amerika noong 2006.[/SIZE] [SIZE=2]Pero sa dokumentong nakuha ng ABS-CBN, lumilitaw na sobrang baba ang idineklarang presyo ng sasakyan kaya mababa rin ang binayarang buwis.[/SIZE] [SIZE=2]Ang Porsche Cayenne ay binili ni Manny Pacquiao sa US noong 2006 at ginamit pa niya sa training bago ang laban kay Erik Morales.[/SIZE] [SIZE=2]Sa record ng Customs, $25,452 ang bili ni Manny sa mamahaling kotse. Umabot sa P1,037,000 ang binayarang buwis sa Customs.[/SIZE] [SIZE=2]Pero sa Web site ng Porsche, $57,900 ang halaga ng Cayenne, malayo sa idineklarang mahigit $25,000 na presyo sa dokumento sa Customs.[/SIZE] [SIZE=2]Ayon sa isang source , kung $57, 900 ang halaga ng Porsche, aabot dapat sa mahigit P1.8 milyon ang babayarang customs duties, VAT at ad valorem tax o may diperensiyang halos P800,000 sa binayarang buwis kapag kinuwenta gamit ang exchange rate na P49:$1.[/SIZE] [SIZE=2]Ibig sabihin, posibleng binabaan ang halaga ng Porsche para mas mababa ang babayarang buwis.[/SIZE] [SIZE=2]Pero ayon kay Customs Commissioner Napoleon Morales, iniimbestigahan pa nila kung tama ang buwis na ibinayad ni Pacman. [/SIZE] [SIZE=2]Giit ni Morales, may tatlong taon pa si Pacquiao para bayaran ang kulang na buwis. Marami naman daw pera si Pacquiao kaya tiyak nilang kaya naman niyang magbayad.[/SIZE] [SIZE=2]Pero ayon kay Pacquiao, sinabihan na raw siya ng Customs na tama ang lahat ng kanyang binayaran pero hindi niya sinabi kung magkano ito.[/SIZE] [SIZE=2]Kumbinsido si Pacman na may mga taong naiinggit sa kanya kaya sinisiraan siya. http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=83635
[/SIZE]
Tama ngang sabihin o i-advise ke Manny na mag ISIP-ISIP sya sa lahat ng kilos nya. dahil i am sure na idea o pakana din yun ng mga nakapaligid sa kanya that he can get away with things like that. HE IS AN INTERNATIONAL FIGURE NOW!! kaya natural lang na pati itsat nya nabubusisi..syempre kahalo na doon ang inggit but generally eh PAGSASAMANTALA!!!
Gaya ng balita na nagkagastus sya sa eleksyon ng 140milyon WOW!!!! makabili ka na ng isa bario/nayon/or town nyan ah...(gaya ni kimbasinger na bumili ng isang town). nilugaw lang din yun ng mga politico na susuportahan "DAW" siya.. eh kaso mo natalo sya so...ni isa yata sa mga nangako sa kanya ng suporta eh walang nagbigay.... ayon nabawasan ang pinaghirapan nya sa ring.
-----------MANNY KUNG GAANO KA KATALINO AT HUSAY SA RING-----------
----------------DAPAT GANUN KA RIN SA LABAS NG RING-------------------