Question lang po.

Medyo nahilig kasi kami ni misis ngayon na manood ng TV Series sa room namin at napansin ko na medyo malakas yung volume ng TV namin.

Gusto din namin maging considerate sa mga kasama namin sa bahay dahil hindi naman maganda yung 1am na ng madaling araw eh ang ingay pa namin.

Gusto ko sana bumili ng 2 wireless headphones/earphones. Meron nga bang ganito? Kung meron, magkano kaya at san pwede makabili?

Btw, naka laptop pala kami tapos ginagamit nmin yung LCD TV namin as monitor nung laptop. For the speaker, nagkakabit lng ako ng stereo speakers dun sa laptop.

Naisip ko din bumili ng bluetooth earphone para mag communicate sa laptop. Ang kaso , sa mga nabasa ko sa internet, isang earphone lng ang pwede gamitin at hindi dalawa.

Advice naman dyan.

TIA!