Saan ba nakakabili ng pinakamurang controllers ng PS2? Grabe gumamit yung anak ko, a few days lang (max of 2 weeks) e sira na yung controller. Yung mga generic na tig-700 ang binibili ko. Meron pa bang mas mura dito or meron bang mas matibay?
Mas matibay kaya kung original Sony controller ang bilhin ko?
yung mga generic talaga madaling masira. pero yung ibang generic, na rerepair naman. may interact branded ako na controller, nasira pero naparepair ko naman for a minimal amount sa circuit city.
yung original ko, 4 na taon na ok pa rin. mga batang pinsan ko pa po yung naglalaro.