New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 36
  1. FrankDrebin Guest
    #1
    Got this from my mailbox

    UltraelectromagneticJAM

    Sa November 29, sa UP Theater, iho-hold ang album launch ng
    Ultraelectromagneticjam, ang Eraserheads tribute album na pinroduce ng Jam
    88.3 in coordination with Sony and BMG.

    Matagal na akong naghihintay na magkaroon ng tribute album para sa
    Eraserheads dahil ang laki talaga ng naging contribution nila sa OPM.
    Pero
    habang nakikita ko ang lineup ng artists at ang kanilang mga kakantahin,
    nadidismaya ako. Ang magic ng Eraserheads ay ginawa nilang popular ang
    alternative na tunog. E bakit naman pinuno ng mga pop artists na pakyut ang
    tribute album na ito?

    LOOKS GOOD
    Syempre meron namang redeeming qualities ang album na
    ito:

    Alkohol ng Radioactive Sago Project - astig ito. Can't wait hearing Lourd De
    Veyra's monotonous poetry and improvisation mixing with the Lemon - Marcus
    composition.

    Spoliarium ng Imago - bagay na bagay, with Aia de Leon's ethereal voice.

    Maling Akala ng Brownman Revival - siyempre narinig na naman natin ito at
    alam natin na ok na ok. Bago pa man ito nirelease na single, napaindak na
    ako sa kantang ito sa UP Fair noong 2004.

    Superproxy ni FrancisM - sana remix version, at hindi full band, para mas
    kaiba. Kung magbabanda man, sana kasing-astig nung mga panahon na sina Noel
    Mendez pa yung kasama ni FrancisM sa tugtog.

    Huwag Kang Matakot ng Orange ang Lemons - sa wakas, may kantang galing sa
    Natin99. Perfect fit pa ang banda sa kanta.

    Tikman ang Langit ng Sugarfree - kumain tuloy ako sa Burger Machine nung
    isang araw.

    Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko pa narinig,
    tiyak na the best single in this album. Kung sino man nakaisip nito, henyo
    ka!!!

    LOOKS HO-HUM
    Overdrive ni Barbie Alamalbis - teka, promotional effort ba ito ng Warner
    Music para sumikat ang kanilang stable of artists?

    Pare Ko ng Sponge Cola - ok lang. Hindi bagay yung kanta sa kakanta.

    Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP - para ka lang nag-request sa kahit anong
    banda sa Padi's Point pag ganito. Ok lang siguro...

    Torpedo ni Isha - ah...sino ito?

    LOOKS BAD
    With a Smile ng South Border - anong nangyayari pag finufuse ang isang
    classic love song ng isang classic na Pinoy rock band at isang R&B band?
    Just think of 214 as revived by Luke Mijares. Oh, Lord, why oh why?!!!

    Magasin ni Paolo Santos - siyet, ok naman si Paolo santos wag lang sa
    kantang ito. Parang hindi ko kakayaning seryosohin.

    Alapaap ng 6CycleMind - no comment.

    Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang
    nauubusan ng hininga.

    WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE
    Hard To Believe ng Cueshe - ******-ina. Ang taong nag-isip na maglagay ng
    mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na show band naman talaga na
    hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheads tribute ay hindi nakakaintindi
    kung ano ang ibig sabihin ng musika ng Eraserheads.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    hmmm... mukhang ok naman... bili agad ako pag available na dito...

  3. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,242
    #3
    di kasama "Alapaap" & "Fine Time"

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #4
    ill buy that or download it perhaps, fan ako ng songs ng eheads at andrew e, yan ang jologs side ko, hehehe

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #5
    Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang
    nauubusan ng hininga.
    agree. mahilig si Kitchie na gayahin ang singing style ni Alanis M. so papaano kaya ang labas nito? hehehehe

    WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE
    Hard To Believe ng Cueshe - ******-ina. Ang taong nag-isip na maglagay ng
    mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na show band naman talaga na
    hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheads tribute ay hindi nakakaintindi
    kung ano ang ibig sabihin ng musika ng Eraserheads.
    :suka:

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #6
    .. i miss the old eheads .. naalala ko pa sila tumutugtog sa UP nung hindi pa sila sikat ..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #7
    wow tribute sa eraserheads.....okay yan....

    pag-nagkakaraoke nga kami, ako lang ang kumakanta ng mga e-heads na music.....hehehee

    kaya lang muka ngang di bagay yung ibang artist para don sa kanta....

    pero malamang eh bibili pa rin ako ng cd nyan.....

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #8
    Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko pa narinig,
    tiyak na the best single in this album. Kung sino man nakaisip nito, henyo
    ka!!!
    i agree. can't wait to hear this. :D

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #9
    sana may "Tindahan ni Aling Nena" .. my all time favorite ehead song ..

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,013
    #10
    nice.. mukhang worth looking into. mejo out of place nga lang ung mga showband types.

  11. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #11
    Aaaaaaghhhhh!!!! Paolo Santos!?!?!?!

    Ang pagbalik ng comeback...

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #12
    High school anthem namin ang 'Pare Ko' at 'With a Smile'. Hehehe.

    Yung 'Ligaya' ang favorite kong E-heads song.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  13. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #13
    Bili ako nyan! memorable ang Eheads sa kin. Di ako nag valentine date with my GF dahil me concert ang Eheads 1998? sa bacolod...hehehehe

  14. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    265
    #14
    Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang
    nauubusan ng hininga.

    hahahahaha!!!! wag naman sana mababoy ang LIGAYA!

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #15
    Quote Originally Posted by maykel
    Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang
    nauubusan ng hininga.

    hahahahaha!!!! wag naman sana mababoy ang LIGAYA!


    bwahahahaha, mabagsik ka kapatid!!!

  16. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #16
    just bought the cd...mura lang pala P300.

    disappointed ako sa version ng ligaya ni kitchie at ang huling el bimbo ni rico j.

    my favorite track is spoliarium by Imago. galeng!

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #17
    mantoy!where did you get a copy?

    naghahanap ako out of stock na daw...3 shops na sa malls.hay.

    this is worth buying..wag na mang pirate.hehe

  18. FrankDrebin Guest
    #18
    Thanks to Capt. James Hook. Prices of original cds are now affordable unlike before! I like FrancisM's Super Proxy!

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #19
    meron na po ako neto. mp3 version. pwede ko siguro ipadala ito (pero isa-isa lang)....

  20. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #20
    most of the songs i enjoyed even more than the originals. eraserheads style got old for me fast kahit na nung kasikatan nila so i welcome this tribute.

    o nga pala... idol si rico j. hahahahaha. genius nga yung nagsama sa kanya sa album.

Page 1 of 2 12 LastLast
UltraelectromagneticJAM - Tribute to Eraserheads